Home Headlines Mas matatag at may kayang Bataeño, target sa 2025

Mas matatag at may kayang Bataeño, target sa 2025

814
0
SHARE
Gov. Jose Enrique Garcia III. Contributed photo

LUNGSOD NG BALANGA — Inihahanda ang Lalawigan ng Bataan para sa pagkakaroon ng isang mas matatag at higit na asensadong mamamayan bago matapos ang 2025.

Tinalakay ito nitong Huwebes ni Gov. Jose Enrique Garcia III kasama ang mga hepe ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang panlalawigan at ilang kasapi ng sangguniang panlalawigan.

May kinalaman ang paksa sa mga inisyatibo at polisiya sa susunod na tatlong taon para sa patuloy na pag-unlad ng Bataan bilang bahagi ng Executive–Legislative Agenda 2023 – 2025 ng governor.

“Sa ating pagnanais na mas maramdaman ng bawat pamilyang Bataeño ang pag-asenso bunga ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaang nasyonal, yunit ng pamahalaang lokal, barangay, at pribadong sector, patuloy nating isusulong ang mga programa, proyekto at serbisyong panlipunan, pang-imprastraktura, at pang-ekonomiya,” pahayag ni Garcia.

Kaugnay pa rin ito, aniya, ng pagnanais niyang mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad, mataas na kalidad ng edukasyon, malinis na kapaligiran, at mataas na porsyento ng mga may trabaho sa bawat pamilya.

“Hinihingi ko ang malawak na pang-unawa at pakikiisa ng lahat upang maisakatuparan natin ang mga ito tungo sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeno,” patuloy pa ng governor.

Nagpahayag naman si Vice Gov. Cris Garcia ng lubusang suporta sa mga adhikain ng governor para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here