Sinorpresa ni Robin ang kanyang misis ng isang mamahaling brand new van na tinadtad nito ng mga roses at petals ang loob with matching arm bouquet.
Grabe ang pagiging supportive at thoughtful ni Robin kay Mariel laluna nung panahong dumaan sila sa crisis sa magkasunod na pagkawala ng kanilang baby.
Pareho pa ring busy ang mag-asawa sa kanilang career.
Si Mariel ay araw-araw na napapanood sa noontime show na “It’s Showtime” habang si Robin ay may afternoon daily game show na “Game ng Bayan” at isa sa mga hurado ng bagong season ng reality show na “Pilipinas Got Talent” na napapanood naman tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Nakakatulong rin kay Mariel ang pagkakaroon ng daily show para maka-move on sa depression.