Marian Rivera umakting lang sa ‘crying scene’ niya
    sa isyung binuntis siya ni Dingdong Dantes

    581
    0
    SHARE
    Paano na kaya ang gagawing damage control ng GMA 7 o ng kampo mismo ni Marian Rivera (paging Popoy Carosomething) dahil sa sobrang umaalingasaw na image nito ngayon.

    Take note, nabuking agad yung nag-drama lang pala’ng alaga ni Popoy nang umiyak nang pahagulgol sa presscon ng isang Regal movie dahil nga sa isyung nginitian lang ni Karylle ‘yung tanong sa kanya kung true bang binuntis ni Dingdong Dantes si Marian.  Apparently, sinadya ni Marian ‘yung panaghoy niya to gain attention and media mileage. Kumbaga, sinobrahan pa niya’ng drama para maging mukhang kontrabida si Karylle na sa true lang, hindi naman dapat nagamit sa promo ng movie ni Marian Rivera.

    Galit na galit nga’ng ilang lady reporters dahil noong una, nakikisimpatya pa raw sila kay Marian gayung binalak pala niyang umiyak para nga makakuha ng atensyon. Huli na nang makita nilang palihim na nag-apir si Marian sa kanyang alalay sabay tanong kung okey ba’ng arte niya.

    Anyway, maari ngang sandaling nakakuha ng awa si Marian pero sa banding huli ang totoo rin ang lilitaw. Hindi naman talagang itago ang totoo nang matagal.

    Masama’ng attitude ni Marian and that’s that. Marmi na ang nagreklamo sa babaing ito at kung magpapatuloy ang paglabas ng mga taong at one time or another ay nagging biktima ng kanyang pagiging mahadera. Isa sa mga araw na ito baka bumagsak ang career niya. Alam kaya ni Marian na once kumalaban siya sa mga reporters, mata lang niya ang walang latay. And worse, kapag pinagkaisahan siya, lagot siya, malalaos siya nang wala sa oras. Ang mas masama, isasama pa niya sa kanyang pagpapatiwaka si Dingdong Dantes.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here