Marian ayaw na munang magpa-sexy

    512
    0
    SHARE
    TULUYAN nang sumuko si Marian Rivera sa laban para sa FHM 100 Sexiest Women dahil sa kanyang kalagayan. Bagama’t pumapalo pa rin ang boto niya sa online poll ay nagpahayag ang GMA Primetime Queen na ‘wag muna gaya ng desisyon din ng Triple A (nagma-manage sa kanya) Ini-endorse na lang niya ang kanyang kapatid sa Triple A na si Andrea Torres. Ito ang napipisil niyang pwedeng humalili sa kanyang titulo pagdating sa kaseksihan. Nagustuhan daw niya ang cover ni Andrea sa nasabing men’s mag. Mapangahas at super sexy.

    “Ayun! ‘Yun (Andrea) na lang iboto nila. Kapatid ko ‘yun, e,” sey niya “Mahiya naman ako sa asawa ko. Buntis pa ako. So, huwag na muna,” deklara pa niya na pinanindigan na pass muna siya sa FHM.

    Nilinaw rin ni Yan ang isyu na hindi siya friendly sa nakaraang pictorial niya sa FHM. Hindi raw ito makausap dahil nagco-concentrate sa kanyang second cover shoot.

    Sobrang kinabahan daw kasi si Marian sa concept ng pictorial na mas daring kumpara rati.

    “Parang sa sarili ko, sa bawat aksyon na gagawin ko, at sa bawat pagpo-pose ko, gusto ko maging presentable pa rin kahit sexy siya. So, naka-focus talaga ako dun,” bulalas pa niya sa presscon ng PEP list Year 2.

    Anyway, wagi si Marian at ang mister niyang si Dingdong Dantes bilang Newsmaker of the Year sa PEP List.

    Ang awards night ay magaganap sa June 18, Thursday, at the Grand Ballroom of Solaire Resort and Casino.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here