Manny Pacquiao ‘di nagpresyo kay Donna Villa

    332
    0
    SHARE
    Totoo nga malaking casting kung tutuusin ang cast ng Pangarap Kong Jackpot. Sa direksyon nina Carlo J. Caparas at Toto Natividad, the movie has Manny Pacquiao lno less at ilang pang malaking artista bilang suporta.

    Paano ba ito na-affiord ng produksyon ni Donna Villa?

    “Lahat naman yan talaga, may budget para sa kanila, including Manny Pacquiao. But we are very lucky dahil napakiusapan naming sila sa ga ganoong budget lang. Nope, hindi namin sila binarat, sa pakikisama lang yun.  At hindi naman sila nagkait sa amin, alam kasi nila, worthwhile naman itong endeavor. Like Manny Pacquaio, napakalaki niyang celebrity, international ang stature niya. Yung isang endorsement niya may cost like P600 million pero pumayag siya sa amin na ganoon lang. Nakikisama kasi siya kaya ipinagkakapuri naming siya,”sabi pa ni Donna Villa.

    Malaki talaga’ng ang 75th anniversary presentation ng Philippine Charity Sweepstakes.  Pero kampante lang si Donna na makakaya nila itong bawiin.  “Sa suporta ninyo at ng publiko, wala namang imposible,” hirit pa niya.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here