SUBIC, Zambales – Ginising ng saksak ang isang mangingisda ng kapwa nito mangingisda habang ito ay nasa kasarapan ng tulog habang nakadaong ang kanilang bangka sa Subic Bay Waters.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elpidio Lamban, 45, at residente ng Pomera St. Purok 6, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.
Arestado naman ng pulisya ang suspek na si Marcelino Maure, 40, matapos na undayan ng saksak ang biktima sa dibdib ng dipa mabatid na patalim.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang biktima at iba pang crew ng Blue Ice fishing boat ng bigla na lamang pagsasaksakin ng suspek ang biktima ng hindi pa mabatid na dahilan.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang suspek sa motibo ng pananaksak.