Maling pag-akusa

    692
    0
    SHARE

    Minsan, sa buhay ng tao dumarating
    itong tayo’y wala naman ding hangarin
    kundi makatulong ay mamasamain
    ng iba riyan bago ganap na alamin

    Kung ano talaga ang nasa sa likod
    ng isyu bago ang nagmagandang loob
    ay basta na lang sa usapin isangkot
    at akusahan na di dapat pumasok

    Sa bagay na di raw dapat pakialaman
    ni Cong Oca gayong ang ninanais lamang
    ay makatulong kina Boking at EdPam
    upang itong ‘dispute’ na namamagitan

    Sa investor at sa developer nitong
    lubhang nabalam na iba pang konstruksyon
    sa Clark na posibleng damay ang ‘completion’
    ng Medical City kapag nagkagayon

    Ay siyang nagtulak kay Oca marahil
    upang si Boking at EdPam kausapin,
    kaya mali ang akusasyon ng Peregrine
    na nakikialam ang Kinatawan natin.

    Kundi ang tunay at sadyang ninanais
    ng napakasipag na Representative,
    ay matapos itong proyektong nabanggit
    bago sumapit ang nakatakdang ‘summit’

    Ng APEC, na dito sa Clark gaganapin
    kung kaya naisip ni Oca ang ‘win-win
    solution’ na kinukwestyon ng Peregrine
    na aniya’y di nito marapat pasukin?

    Tama’t labas sa ‘jurisdiction’ ni Oca
    ang Clark pero ano baga ang masama
    ng makatulong sa “kaututang-dila”
    na kagaya riyan ng ‘public servant’ kapwa?

    Na pare-parehong may angking talino
    sa pamamalakad at pangungubyerno;
    kaya, hayan dahil subok na ng tao
    sila’y muli’t-muli pang ibinoboto.

    At nang malaman ni Oca na maaring
    ang konstruksyon ng Medical City building
    ay makompromiso kung saka-sakaling
    di matapos bago ang ‘scheduled meeting’

    Ng APEC sa lugar ay saka lang niya
    naisipang kausapin ang dalawa,
    ngunit hindi para mag-meddling kumbaga,
    kundi ng ‘win-win solution’ lang talaga

    Na maaring gawin ni Boking at EdPam
    kung epektibo ang bagay na naturan;
    kaya, marapat bang si Oca’y husgahan
    ng diumano nga ay lubhang mapakialam?

    Sana bago natin akusahan siya
    sa anumang bagay pag-aralan muna
    kung tunay ngang si Cong may nagawang sala
    upang di mamali r’yan ng pag-akusa.

    Di nalalayo yan sa PDAF Scandal
    na isinangkot ang butihing Congressman
    nina Napoles sa kanilang listahan
    nitong nangurakot sa Kaban ng Bayan

    “What PDAF? I was not then a Congressman yet
    but sill a Mayor when it’s implemented,
    kaya papanong ako ay ‘suspected’
    na nakatanggap n’yan kay Janet Napoles?”

    Yan ang sabi niya sa ‘newsletter’ nito
    na ipinamigay sa mga dumalo,
    sa kaarawan niya na ginanap mismo
    sa Heroes Hall ng City of San Fernando.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here