Dalawang higanteng pagkahaba-habang flat bed trucks ang ipinarada sa harap ng St. Joseph Cathedral sa Balanga kung saan ang aktibidad nagsimula ng alas-3 ng hapon sa pamamagitan ng isang animation tungkol sa panganib ng nuclear power plant na pinangunahan ng mga kabataan.
Naghanda naman ng mga steel barricade ang pulisya upang hindi makapasok ang mga sasakyan sa pangunahing lansangan ng lungod papuntang plaza na katapat ng simbahan.
Nagmisa si Bishop Socrates Villegas ganap na alas-4 ng hapon at pagkatapos ay ang prayer rally bilang pagtutol sa pagbubukas ng BNPP sa Napot Pt. sa bulubunduking bayan ng Morong.
Nauna rito, tatlong araw ng Linggong sunod-sunod simula Pebrero 8 na binabasa sa lahat ng misa sa maghapon ang tatlong ibat-ibang Gabay Pastoral na tumatalakay sa panganib na dulot ng plantang nuclear.
“Kung kayo po ay may malasakit sa bayan, dumalo kayo sa prayer rally upang masugpo ang pagbubukas ng nuclear power plant sa Bataan,” ani ng mga sulat pastoral.