Matagumpay ang unang pambansang kumperensiya hinggil sa kasaysayan, kalinangan at sining ng Bulacan at Pampanga na isinagawa sa Holy Angel University noong Mayo 12 hanggang 14.
Ngunit higit itong magiging matagumpay kung ang mga iprinisintang papel sa nasabing kumperensiya ay maisasalibro at maipamamahagi sa mga paaralan sa dalawang lalawigan upang mapag-aralan at maunawaan ng mga mag-aaral at guro.
Kung maisasalibro at mauunawaan ng mga kabataan ang mga resulta ng mahabang pananaliksik ng mga manunulat nga kasaysayan, makakaasa tayo na ang mga susunod na henerasyon ng mga lider at pultiko sa dalawang lalawigan ay magkakaroon ng simpatiya sa kasaysayan.
Ito ang nakakalungkot. Maraming lider at pulitiko sa kasalukuyang panahon ang kulang sa pag-unawa sa kasaysayan at kalinangan. Para sa kanila, ang mahalaga ay ang susunod na halalan.
Ilan sa mga palatandaan ng kakulangang iyan ay ang mababaw na pahayag ng mga pulitiko kapag sila ay kinakapanayam ng mga mamamahayag.
Bukod pa sa katotohanang, huli sa kanilang prayoridad ang pabibigay pansin sa kasaysayan na masasalamin sa hindi nila pagdalo sa mga ibat-ibang pagdiriwang tulad ng isinasagawang taunang paggunita sa Araw ng Kalayaan at Araw ng Republika sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa Malolos.
Kadalasang sagot ng mga pulitiko, “mayroon kasing imbitasyon sa akin kaya hindi ako nakadalo.” Pero kapag tinanong mo kung ano ang okasyong kanilang pinuntahan na nakasabay ng pagdiriwang ay tiyak na magugulat ka.
Karaniwan sa kanila ay nagpunta sa kasal o kaya ay sa binyag o kaya ay lamay o libing. Sa madaling salita, “KBL”, pero hindi naman sila kapartido ni dating Pangulong Marcos na nagtatag ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Sa nasabing kumperensiya, kakaiba ang kasaysayang ipinahayag ni Bro. Martin Francisco dahil siya ay nagbatay sa mga oral tradisyon ng mga katutubong Dumagat sa kabundukan ng Sierra Madre o Mahabe Pagotan sa bahagi ng Bulacan.
Ang ibang mananaliksik ng kasaysayan ay ibinatay ang kanilang presentasyon sa mga dokumento sa mga artsibo ng mga bahay aklatan.
Si Bro. Martin ay tubong Quezon na namalagi sa Bulacan at gumugol ng mahabang panahon sa pakikinig at pagmamasid upang maisulat ang kasaysayan at kalinangan ng mga katutubo.
Ito ang nagbigay ng kakaibang karapatan at otoridad kay Bro. Martin, kumpara sa ibang mananaliksik na may mga doktorado at iba pang mga titulo.Upang maisulat ang kasaysayan ng mga Dumagat, si Bro. Martin ay nagtiyagang makipamuhay sa mga katutubo upang makuha ang kanilang tiwala at ipagkaloob ang kuwento ng kanilang lahi.
Ayon kay Bro. Martin “ang kwento ng simula ng kasaysayan ay isa lamang pasalin-saling kwento kung paano nalikha ang mundong Sierra Madre. Kahit ako ay tinanggap ko ang mga kwento tulad ng isang bata, nakikinig sa isang matanda upang higit kong maunawaan ng walang pag-aalinlangan. Nakakatuwa ngunit nakakatakot din.”
Dagdag pa niya, “pinakinggan ko ng buong tiyaga ang kanilang pagsasalaysay ng paputol-putol na kwento. Palakad-lakad kami at palinga-linga habang ito’y ikinukwento na ‘di matapus-tapos. Maiinis ka sa paraan ng pagkukwento nila dahil parang walang direksyon o ‘di-organisado. Ngunit tinulungan nila akong maunawaan ang kwento habang itinuturo ng mga matatandang Dumagat ang kanilang sinasabi. Tumagal ang pagkukwento ng mahabang panahon ng pakikinig, pakikipagniig sa kagubatan, at pakikisalamuha sa kanila, at ‘di nga nagtagal ay nabuo ko ang kasaysayan ng Sierra Madre mula sa pilas-pilas na istorya at nakabatay sa kanilang kalinangan.”
Halos limang pahina ang kabuuan ng kuwento ng pananaliksik ni Bro. Martin para sa maisulat ang kalinangan ng mga katutubong Dumagat sa Sierra Madre o Mahabe Pagotan.
Sa bawat pahinang iyon ay madarama ng isang mambabasa ang kanyang katapatan. Ulit-ulit niyang binaggit na iyon ay batay sa kuwento at pananaw ng mga matatandang katutubo.
Ito ay hindi nangangahulugan na inaangkin ni Bro. Martin ang karangalan o kredito sa kanyang sinulat, bukod pa sa katotohanang bukas ang kanyang kalooban sa pagtutuwid ng mas higit na nakakaunawa sa kasaysayan kung sakaling mayroon siyang nagawang pagkakamali.
Ganito rin ang karaniwan pananaw ng isang mamamahayag dahil sa paniniwalang, anumang naisulat ay hindi pinal at tiyak na may ibang katumbas na pananaw. Dahil dito, ang bawat balitang isinusulat ay dumadaan sa mapagsuring mata ng mga patnugot.
Ito rin ang dahilan kung bakit aking binanggit sa aking nakaraang pitak na isa sa problemang lumutang sa panahon ng kumperensiya ay ang pananaw na na ipinalabas ni Ian Alfonso, ang mananaliksik ng Center for Bulacan Studies at mag-aaral ng Bulacan State University na anak ng Pampanga ang Bulacan.
Upang timbangin ang nasabing pananaw na diumano’y batay sa Expediente ng Pampanga, idinulog ito ng ilang mamamahayag kay Dr. Jaime Veneracion ng University of the Philippines, at isang pangunahing mananaliksik na Bulakenyo.
Hindi matanggap ni Dr. Veneracion ang nasabing pananaw at sinabing dapat pa itong sumailalim sa masusuring pag-aaral at pagsasaliksik. Ngunit ang isang pang problema ay inako na ng pamahalaang lalawigan ng Bulacan ang nasabing pananaw ng sabihin ni Provincial Administrator Pearly Mendoza sa kanyang binasang talumpati na “ di nagtagal, nahiwalay ang Bulacan sa piling ng kanyang inang Pampanga noong 1755 at gumuhit ito ng sariling kasaysayan na hiwalay sa kanyang ina. Tila isang anak na nasa hustong gulang na at naisipang bumukod sa kanyang mahala na ina.”
Ang tanong, sino ang pinagkunan ni Mendoza ng impormasyong ito? Ito ba ay ikinunsulta muna ng kapitolyo sa mga historyador ng Bulacan?
Sino ang nagsubo kay Mendoza ng pananaw na anak ng Pampanga ang Bulacan, at kinain naman niya ng buo iyon at hindi muna nginuya ay nilasahan?
Sa panaaw ng ilang historyador, ang ginawa ni Mendoza na pagtanggap na pananaw ng isinubo sa kanya ay parang pagtanggap sa ebanghelyo. Wala ng tanong-tanong, basta iyon na yun dahil sa tiwalang-tiwala. Ayon pa sa mga historyador, kung hindi muna pinag-aralan o ikinunsulta ng provincial administrator ang nasabing pananaw, isang malaking kapabayaan iyon, o pagiging iresponsable.