Home Headlines Magtiyuhing construction worker patay sa riding-in-tandem

Magtiyuhing construction worker patay sa riding-in-tandem

767
0
SHARE

MARIVELES, Bataan Dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang bumaril at nakapatay sa magtiyuhin habang naglalakad Biyernes ng umaga sa MAAP Road dito upang pumasok bilang construction worker sa isang gusaling ginagawa malapit sa kanilang bahay.

Kinilala ni Arsenio Olivia ang mga nasawi na kanyang kapatid na si Reynaldo Olivia, 43 at anak niyang lalaking si Joan Olivia, 34.

Nakahandusay ang magtiyuhin sa isang lane ng kalsada at wala nang buhay matapos magtamo ng mga sugat mula  sa mga bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Nakalabas na umano sa kanilang bahay sa Sitio Dapdap, Barangay Alas-Asin ang dalawa at naglalakad sa kalsada nang tambangan ng riding-in-tandem na parehong nakatago ang mga mukha sa helmet.

Sinabi ni Arsenio na nasa bahay siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok na akala niya ay firing lang sa kalapit na Maritime Academy of Asia and the Pacific. Nalaman na lamang niya na anak at kapatid pala niya ang mga binaril.

May binanggit umano sa kanya ang kapatid na diumanong nagbabanta sa buhay nito at makalipas nga ang isang linggo ay nangyari ito. Nadamay lamang daw ang kanyang anak.

Managot sila, mabigyan ng hustisya ang kapatid ko at anak ko dahil walang kaalam-alam ang anak ko puro trabaho lang inaatupag niyan, sabi ni Arsenio.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ng Mariveles.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here