Magsasaka timbog sa putok ng baril

    396
    0
    SHARE

    SAN NARCISO, Zambales – Arestado ang isang magsasaka matapos itong magpaputok ng baril habang ito ay nasa bukid sa Barangay Grullo sa nasabing bayan.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Geronimo Apostol, 59, at residente ng nasabing barangay.

    Ayon sa ulat, ang suspek ay isinuplong sa pulisya ng kanyang mga kapit-bahay dahil sa dalawang beses nitong pagpapaputok ng baril ng walang kadahilanan.

    Nabawi ng pulisya mula sa suspek ang isang kalibre 22 rifle na may 15 buhay na bala.

    Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 8294 (illegal possession of firearms and ammunitions) at paglabag sa Comelec Resolution 9385 (gun ban) habang ito ay nasa custody ng Zambales PNP.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here