Magsasaka nagmartsa pa-Maynila para sa CARP extension

    640
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—— Nagsipagmartsa mula sa iba’t-ibang probinsya ang mga magsasaka mula sa Gitnang Luzon bilang kilos protesta at kahilingan ng CARP extension.

    Nagsipagmartsa ang mga magsasaka mula Pangasinan, Tarlac, Pampanga at Bulacan na sa ilalim ng kanilang programa na tinatawag na Agrarian Reform Express o AREX.

    Nagsimula ang pagkilos ng mga magsasaka mula pa noong isang linggo at nagsisipaglakad lamang patungo sa Maynila.

    Ayon kay April Satoquia, organizer ng Alternative Community Centered Organization for Rural Development (ACCORD), hinihiling nila ang sampung taong extension ng Comprehensive Agrarian Reform Program at hindi ang anim na buwan lamang na extension.

    Aniya, dapat na ipamahagi ng totoo ang mga lupa para sa mga magsasaka at hindi ang boluntaryo lamang gaya ng isinasaad ng Joint Resolution 19.

    Tutol ang mga magsasaka sa nilalaman ng Joint Resolution 19 sapagkat masama umano ang epekto nito sa mga magsasaka dahil sa nagiging boluntaryo lamang ang nangyayaring pamamahagi ng lupa.

    Dapat din anilang suportahan ang mga magsasaka sa kanayunan para sa mga proyektong ikauunlad nito.

    At hindi umano sila titigil sa kanilang pagsasagawa ng kilos protesta hangga’t hindi dinidinig ng Senado at Kongreso ang kanilang mga kahilingan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here