Taliwas ito sa pagkakaalam ng marami na tahimik ang Olongapo at walang nagaganap na karahasan dito, dahil wala man lamang napapaulat na krimen na lumalabas sa ibat-ibang pahayagan dahil pilit itong itinatago ng mga awtoridad ang mga nasabing pangyayari.
Sa buwan pa lamang ng Abril 2009, dalawa na ang naitatalang krimen. Una ng paslangin sa loob ng kanyang bahay noong Abril 13 ang kawani ng Greenwich, Olongapo City na si Susana Vicente sa Barangay Gordon Heights kung saan nagtamo ito ng labing-anim (16) na saksak sa katawan at namatay noon din at ang sinasabing dahilan ng motibo ay pagnanakaw daw.
Nasundan pa ito noong Abril 16, 2009, ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na wala ng buhay sa loob ng OLONGAPO CITY MEMORIAL PARK sa Barangay Tabacuhan kung saan nakatarak pa sa kanyang likuran ang may 14 na pulgada ng kutsilyo.
Ang karumaldumal na krimen na ito ay isa lamang bang patunay na mahina na umano ang kakayahan ng OLONGAPO PNP pagdating sa ganitong sitwasyon.
Ang tanong ng taumbayan, paano na kung walang SUPPORT UNIT ng PNP gaya ng ZAMBALES CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM (ZCIDT) na tumutulong para mag-imbestiga sa mga kaso? At dahil na rin sa imbestigasyon isinagawa ng ZCIDT sa pangunguna ni P/Chief Inspector Rogelio Peñones kaagad nilang nakilala ang biktima na si Aivann Carl Pascua, 23-anyos, isang estudyante ng Pamatawan, Subic, Zambales.
Bagamat may mga tukoy ng suspek sa mga pagpatay, inaantay na lamang lumabas ang Warrant of Arrest ng mga ito para hulihin. Ang tanong huhulihin ba kaagad ito? Ilan na bang WANTED PERSON ang nahuhuli ng OCPO ha? Kumilos naman kayo saying na lamang ang pinapasweldo ng gobyerno.
Ang tanong ko lang sino ba ang nakahuli sa No. 1 Most Wanted Person ng Olongapo? Di ba ZCIDT, nasa tabi na lamang ninyo ang suspek di ninyo hinuhuli, bakit at anong dahilan? Pinagkakakitaan din ba ito? He he he.
Ang labis na nakapagtataka ay iilan lamang ang tauhan ng ZCIDT, sila’y nakakahuli ng mga KRIMINAL kung ikukumpara mo sa mga tauhan ng bawat presinto na saklaw ng OCPO.
Batay sa obserbasyon ng CASTIGADOR, sa tuwing nagpapalit ang CITY DIRECTOR ng OCPO ay may nagaganap na krimen. Noon pa man ay nagyayari na yan na tila gustong subukan ang kakayahan ng bagong mamumuno sa kapulisan o di kaya ay upang sirain ang kridebilidad nito.
Pababayan na lamang ba ito? Sana KUMILOS ang pulisya ng OLONGAPO CITY at huwag tutulog-tulog sa PANSITAN.
Hanggang kaylan kaya makakamit ng mga kamag-anakan ng mga biktima ang tunay na hustisya?