Home Opinion Maging mapanuri, nang di magkamali

Maging mapanuri, nang di magkamali

1058
0
SHARE

ANG napabalita na hindi totoong
sa ‘audience’ anila r’yan ng ‘Proclamation
Rally’ nina Sara at BBM itong
sa Google nga ay naging ‘talk of the towon’.

Kung saan ito’y sa Philippine Arena
ginanap at sabi’y hindi ‘yon talaga
ang ‘footage’ na sadyang para sa kanila,
ya’y masamang biro kay Bongbong at Sara.

Ang palabasin na kahit di totoo
na ang proklamsyon dinumog ng tao
babaligtarin yan ng kung sinu-sino,
para iligaw ang masang Pilipino.

Napanood ko rin nang araw na iyon
ang naturang ‘event’ pero wala tayong
napagtuunan ng pansin kundi itong
di mahulugan  ang ‘audience’ ng karayom.

At kung saan tuwing “Bongbong, Inday Sara”
ang isisigaw ng isa o dalawa,
susundan ito ng di magkamayaw na
umaatikabong sigawan tuwina!

At hinggil dito sa sabi’y di totoong
‘footage’ ng ginanap nilang ‘proclamation’
kundi ng ito ay sa ibang okasyon
at kwenta ginawa lamang nilang ‘background’.

‘Yan sa ganang atin ay paninira lang
ng mga mahigpit na katunggali r’yan
sa pagka-pangulo at pang-pangalawang
mataas na puesto sa  pamahalaan.

Na tahasang atin ding maihahayag
‘in public,’ ito na marahil ang hudyat
nang ipagbabago r’yan ng lahat-lahat
ng pangit na anyo nitong Pilipinas.

Hindi pa ba tayo nagsawa, kabayan
sa nakararaming sila-sila na lang
ang  papalit-palit sa timon ng bayan
may hawak palagi, gayong ang dami r’yan

Ng mga dapat na ipalit kumbaga
sa mga inuban nasa sa pulitika,
na gaya ni Lacson, Kiko, at iba pa,
na nararapat nang sila’y magpahinga.

Gayon din ang tulad ng mga senador,
na sina Frank Drilon Richard J. Gordon.
Sapat na marahil ang ilan ding taon,
na tinulugan lang n’yan ang mga ‘sessions’.

Panahon na upang baguhin ang lahat
na ng pangyayaring personal na hangad
lamang marahil ng ibang mapapalad
na maupo pero di nating matapat.

Bilang mamamayan na may pagmamahal
at may malasakit  sa’ting Inangbayan,
magka-isa tayo sa kung sino riyan
ang may puso ang siyang marapat ihalal.

Huwag padadala sa patapik-tapik
at padaup-palad na pinasisingit,
upang ang halalan ay maging malinis
at ang gusto ang siyang tunay na manaig!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here