Magbabago pa ba si Baron Geisler?

    265
    0
    SHARE

    Nagbago na raw si Baron Geisler. Freshly out sa rehab ng mga alcoholics. balik-showbiz na ito sa ngayon.
    Pero talaga bang nagbago na siya?

    Hindi ba true yung kasabihang ang addict ay addict ay addict?

    Well, we have seen a lot outside showbiz, nakamatayan na nila’ng pagiging addict, gayung they underwent rehabilitaion. Yung iba, mga nagsitanda na, that even up to their twilight years, mga nag-a-addict pa rin.

    This brings to mind yung mga artistang nag-undergo ng rehabilitation.

    So far naman, yung ilang nag-announce na na-rehab sila’t nagsabing nagbago na sila, ayan at nasa eksena at umaandar naman nang maganda. Dahil ba sa may selk-control sila at lagging nasa isip na kailangan na talaga silang magbago?

    Hindi na kami magbabanggit ng mga pangalan, pero mga kilala sila sa showbiz na ngayon nga ay mga sikat pa rin at puwedeng sabihing nasa very sane level gayung  dati nga silang mga addict.

    So yung kasabihang ang addict ay addict ay addict, will still have to be proven sa kanila. Heto na ngayon, out ng rehab center si Baron Geisler after more than three months.

    He feels new and restored at handa nang humarap sa mga hamon ng buhay.

    He knows he would need more than just strength — prayers as well — para mapaglabanan ang muling “malulong” sa masamang bisyo.

    “Marami akong natutuhan sa loob,” pahayag pa ni Baron, “which has helped me become the new Baron that I am now. At feel na feel ko ang pagbabagong ito sa akin.

    “Kaya nga for a time, ayoko pa munang lumabas. “I wanted to face life outside rehab more prepared at hindi madaling ma-tempt na bumalik sa kung anong ‘dati’ ko.”

    Because of his addiction to alcohol, alam daw niyang marami siyang nabigyan ng sama ng loob.

    Kasama na rito ang kanyang ina na sa kanya umaasa at nagbibigay ng unconditional na pagmamahal sa kanya.

    He wants to make up to her, he said, and to all those na kanyang ‘nasaktan,’ not to say, ‘pinagkasalanan.’

    In connection with this, alam pala ni Baron ang tungkol sa voluntary na ‘pagpasok’ ng dating child actor na si Jiro Manio sa rehab center.

    He is happy for him, he said.

    “Compared to me, mas bata pa siya (Jiro). Kaya  tama lang na gustuhin niyang magbago.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here