Mag live-in nagpasko kay kamatayan

    86
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales –Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di pa kilalang suspek ang mag live-in partner sa Barangay Calapacuan dito kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic Police Station, ang mga biktimang sina Don Gulapa, alyas Borodoy, 24, at ang live-in partner na si Armalyn Montallana, 25, pawang residente ng Gulapa’s Compound, Purok 3, Barangay Calapacuan.

    Ang mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan mula sa 9 mm na
    baril na kaagad nilang ikinamatay. Sa isinagawang imbestigasyon ng scene of the crime operatives (SOCO) nakuha sa bahay ng mga biktima ang mga basyo ng bala na ginamit sa pagpatay, isang portable weighing scale, walong unsealed transparent plastic sachet na pinaglagyan ng shabu.

    Nakarekober din ang SOCO sa bakuran ng mga biktima ng dalawa pang basyo ng bala. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Subic PNP sa pagkakalilanlan sa suspek at ang motibo sa pagpatay

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here