Mag-ingat sa mga ‘hackers’ sa internet

    418
    0
    SHARE

    Nitong nakaraang araw lang ng Biernes,
    Isang ‘good friend’ ko ang sa akin ay nagtext
    At ang pagkasabi sa akin “Tang Felix,
    Napasok ng ‘hacker’ ang iyong email address”

    Imbes sagutin ko ang text na padala
    Ng nag-message sa’kin tinawagan ko siya
    Upang ora mismo malaman sa kanya
    Kung ano ang ‘scam’ na tinutukoy niya

    Na diumano ay ginawa nga ng ‘hacker’
    Sa ‘email address’ ko na aniya’y posibleng
    Na-hacked ng iba ang ‘unsigned-out’ kong email
    Kung nag-‘log in’ ako sa ibang ‘computer’. 

    “Baka iniwanan n’yo (aniya) ng bukas
    Ang ginamit ninyong computer sa labas,
    Kaya napasok ng hacker na nagpanggap
    Na siya ay kayo – kung kaya maluwag

    Na nakapag-post nga agad sa internet
    Itong kunwari ay nawala ang ticket,
    Pera, passport saka iba pang papeles,
    Kung kaya nagawa nito ang mag-‘message’

    Sa ‘account’ ko para humingi ika nga
    Ng tulong sa aking kaututang-dila,
    Kamag-anak saka ‘friends’ sa ibang bansa
    Na posibleng sa ‘message’ ay makabasa.

    Mabuti na lamang at dadalawa lang
    Ang sa ‘message sent’ ko bale lumilitaw
    Na napadalhan niya – pero buti na lang
    Ito ay parehong “Failure Notice’ lamang

    Ang sinulat nitong message sa internet,
    Na kung saan nasa Cyprus daw ang lintek?
    ‘Attending certain conference at the moment,
    But had just lost his bag and personal effects’

    He’s seeking financial assistance from good friends,
    Relatives, some colleagues and whom it may concern,
    Telling them that he will pay back what they could send,
    As soon as he returned for home soon or later.

    Aywan ko lamang kung ilang indibidual
    Ang nakuhang itext nitong ‘hacker’ na yan,
    Kasi ‘deleted’ na nang aking mabuksan
    Ang ‘sent items’ sa computer ko sa bahay

    Liban sa dalawa na parehong ‘Failure
    Notice’ – na tiyakang di natanggap nitong
    Sina Alma Canlas at isa pang taong
    Ang email ay kristendaig@gmail.com.

    At baka isa sa  mga nakatanggap
    Ng message, si Irwin Nucum kung kaya nga’t
    Bilang kaibigan inalerto agad
    Si ‘yours truly’ para magpalit kaagad

    Ng ‘password’ upang di na muling mapasok
    Ng mga ‘hackers’ ang personal kong account,
     (Kung saan pati “Contacts” buradong lubos
    At ang ‘sent items’ ko ay halos maubos)

    Sapagkat posibleng nabura ng lintek
    Na ‘hacker’ itong iba pang email address,
    Dahilan na rin sa posibleng ‘grave mistake’
    Na nagawa sa kahahanap ng ‘prospects’.

    Sana sa lahat ay magsilbing babala
    Ang ganyan upang di basta maniwala,
    Sakali’t sila ay makatanggap bigla
    Ng message na aywan kung ito’y totoo nga!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here