SUBIC, Zambales –Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic PNP ang mag-amang pusher sa isinagawang drug operation ng pulisya sa bayang ito.
Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic police, ang mga suspek na sina Donato Ventura, 47, at ang anak nitong si Jerry, 27, kapwa residente ng Purok 3, Sitio Tahimik, Barangay Calapacuan.
Ang mga suspek ay huli matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500. Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang marked money at 27 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000.
Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell at ipinagharap na ng sakdal sa paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng RA 9165.