Luntiang pastulan sa San Rafael natagpuan ng dating OFW

    967
    0
    SHARE

    SAN RAFAEL, Bulacan—Sa halos 15 taon, nagtrabaho bilang seaman si Isagani Santos,56, ng ng bayang ito.

    Ngunit ang luntiang pastulan o greener pasture na kanyang hinanap sa ibayong dagat ay kanyang natagpuan sa bayang ito.

    Ito ay sa pamamagitan ng pagsasaka ng gulay na ayon sa kanya ay  nagging pangunahing hanapbuhay niya sa pagtataguyod ng pag-aaral ng kanyang limang anak,kung saan ay dalawa na ang nakatapos.

    Ayon kay Santos, taong 1995 nang magretiro siya sa pagiging seaman, at dahil kailangan ng hanapbuhay upang itaguyod ang kanyang lumalaking pamilya noon, nakipagsapalaran siya sa paghahayupan.

    Ngunit dahil sa kakulangan ng sapat na karanasan,hindi siya nagtagumpay kaya’t lumipat siya sa pagsasaka ng gulay sa Barangay Caingin ng bayang ito.

    Hindi rin sapat ang karanasan ni Santos sa pagsasaka ng gulay, ngunit nagtagumpay siya.

    Ito ay dahil sa kanyang deteminasyon na magtagumpay at matuto sa pamamagitan ng pagdalo sa ibat-ibang mga pagsasanay.

    “Halos lahat ng mga seminar na inorganisa nila, dinaluhan ko,” ani Santos patungkol sa mga pagsasanay na inorganisa ng ibat-ibang grupo.

    Sa kanyang pagdalo sa mga pagsasanay at mga seminar, higit na tumaas ang kumpiyansya ni Santos dahil marami siyang natutuhan.

    Kabilang dito ay ang mga bagong pamamaraan sa pagsasaka, gamit ang mga makabagong kagamitan, binhi at teknloohiya.

    Isa sa pinakasimpleng natutuhan niya ay ang paggamit ng itim na plastic film sa kanyang seedbed na pumipigil sa pagdami ng mga damo at mga kulisap.

    Ayon kay Santos, nakatutulong din ang nasabing plastic film sa kanyang mga pananim kung tag-araw na mainit ang panahon.

    Ipinaliwanag niya na hindi basta natutuyo ang lupa sa taniman dahil medyo nababalot ito ng plastic.

    Hinggil naman sa kalidad ng plastic na kanyang ginagamit, ipinagmalaki niya ang produktong Macondray plastic na ayon sakanya ay mas maganda ang kalidad at mas mura.

    Ang nasabing produkto at ginagamit niya sa pagatatanim ng ibat-ibang gulay tulad ng talong,sili,ampalaya, kamatis,Baguio beans,patola, pipino at iba pa.

    Para naman sa ibang OFW na nag-iisip ng panibagong hanapbuhay o negosyo, ipinayo ni Santos ang pagsasaka ng gulay.

    “Mas magandang hanapbuhay ito,malapit ka pa sa pamilya mo,” aniya at ikunuwento na kaya siya tumigil sa pagiging seaman ay upang makasama ang mga anak.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here