Julia-Enrique newest Kapamilya love team

    433
    0
    SHARE

    Opisyal nang inihayag ng ABS-CBN kamakailan na sina Julia Montes at Enrique Gil ang lead stars ng pinakabago at pinakaaa-bangang Primetime Bida teleserye ng Kapamilya network bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine Television.        

    Mula sa matatagumpay na teleserye ni Julia na Mara Clara at Walang Hanggan, at ni Enrique na Budoy at Princess and I, muling magbabalik sa Primetime ang dalawa sa pinakasikat na Kapamilya young stars upang pagbi-dahan ang panibagong obra na tiyak na magbubukas sa puso ng bawat manonood.

    Sa pananabik ng buong sambayanan sa kanilang tambalan, naging usap-usapan agad sa mga social networking site tulad ng Twitter ang bagong proyekto nina Julia at Enrique kaya naman mabilis din naging bahagi ng nationwide trending topics ang mga hashtag tulad ng #ExcitedForJuliaMontesAndEnriqueGilTeleserye at #HappyJulQuenDay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here