Home Opinion Luksang parangal para kay Sir Benefredo “Benny” Guintu

Luksang parangal para kay Sir Benefredo “Benny” Guintu

491
0
SHARE

1.

Isang general manager at mahusay na NEWS ANCHOR si BENEFREDO GUINTU ng GNN TV 44 siya ay RESPETADONG TAO hindi lamang sa San Simon hindi lamang sa PAMPANGA maging sa isla ng Luzon isang taong MAPAGMAHAL sa kultura at tradisyon at sa WIKANG KAPAMPANGAN sa matagal ng panahon

2.

Si sir Benny ay lumaki sa barangay STO. NINO na kilala bilang taong MABAIT at MAGINOO bagaman siya’y nanirahan sa siyudad ng SAN FERNANDO hindi niya nilimot ang kinalikihan niyang BARYO pinarangalan siya bilang MOST OUTSTANDING FERNANDINO sa larangan nitong MEDIA sa taong 2022

3

Isang taong matuwid na mayrong prinsipyong MATATAG sa kanyang paniniwala hindi basta NATITINAG magaling siyang makisama’t lumalaban ng PAREHAS hindi kailaman man NASILAW sa kinang ng ginto’t pilak MAPAGMAHAL sa asawa at sa kanyang mga anak ganoon din sa KAIBIGAN at sa mga kamag anak

4.

Taos pusong NAGLINGKOD at wala ring pinrotektahan isinisiwalat kung ano lamang ang KATOTOHANAN isang media practitioner na walang KINIKILINGAN walang takot harapin ang anumang uri ng LABAN lalo na’t kung alam niya na siya ay nasa KATWIRAN  kahit MANGANIB ang buhay ay hindi niya aatrasan

5.

Ilan lang yan sa taglay katangian ni sir BENNY na marahil ay hindi pa BATID ng nakararami dahil sa SAN SIMON kami nagkaisip at lumaki bukod sa magkakila ay MAGKAMAG ANAK kami siya ay KAIBIGAN ni ama at magkasama parati kapag mayrong PRESS CONFERENCE lagi silang magkatabi

6.

Dahil sa kanyang PAGPANAW at maagang pagkawala hindi lamang pamilya niya ang ganap na NAGLULUKSA pati mga MEDIA PEOPLE ay nagdalamhating bigla at ang buong LALAWIGAN ay natigib din ng luha ganon pa man ang PAMANANG naiwan ng namayapa ay mananatiling buhay sa puso namin at DIWA

7.

BAUNIN mo ang dalanging sa’yo ay aming kaloob at ang aming PAGMAMAHAL na sa aming puso’y taos nawa ang KALULUWA mong sa mundo ay tumalikod na ngayon ay NAGLALAKBAY tungo sa ibang lupalop sana’y iyong masumpungan ang KAPAYAPAANG lubos sa piling ng MAPAGPALA at MAPAGKALINGANG DIYOS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here