Lovi Poe palpak na perfume endorser

    603
    0
    SHARE

    Launching ng isang brand ng pabango ng  Bench si Lovi Poe. Hindi kaya mangamoteng muli ang brand na ito ni Lovi Poe?

    Nagtatanong lang po. Not so long ago, kinuhang endorser si Lovi ng isang perfume impressario. Hindi na namin sasabihin ang brand, pero disaster ang nangyari, the brand didn’t sell, at lahat ng stock ay walang nabenta.

    Naging kontrobersyal pa ito noon at ikinumpara sa ibang endorser, tanging ang kay Lovi lang ang di bumenta.

    Ngayon kaya, umokey na si Lovi sa publiko?

    Special guest nga ni Lovi Poe sa launching ng perfume niyang Love Affair ng Bench last Sunday sa Trinoma ang inang si Rowena Moran na maganda pa rin.

    In fact, puwede silang gumanap na magkapatid sa pelikula, kaya lang, wala nang balak balikan ni Ms. Moran ang pelikula at kontento na ito sa buhay niya ngayon.

    Ang description ni Lovi sa scent ng Love Affair ay “very sweet, sexy and flirty.”

    Siya rin ang kumanta ng theme song ng Love Affair na sinulat nina Viktoria at Mikko Palon.

    Naka-tatlong palit ng damit si Lovi sa kanyang pagrampa sa launching ng Love Affair at lahat ng suot, lalo na ang red gown ay nagpakita ng kanyang kaseksihan at ipagmamalaki kung may BF siya, kaso loveless daw siya.

    Nali-link ngayon si Lovi kay Camsur governor-elect Migz Villafuerte na unang na-link kay Sarah Geronimo.

    Pero sabi ng aktres, four years na niyang friend si Migz na nakitang kasama niya sa Resorts World.

    Sa career ang focus ni Lovi lalo’t malapit na siyang mag-taping ng soap niyang Hanggang Ngayon at nagti-taping pa rin siya ng docu-series na Titser.

    Inaasikaso rin nito ang lilipatang townhouse, kaya out muna ang love life sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here