Lovi Poe nakikitulog sa bahay nina Jolo Revilla?

    495
    0
    SHARE
    At least mismong si Lani Mercado ang umaming totoong ka-package deal nga ang anak niyang si Jolo Revilla kaya kinuha itong bida para sa Agimat series ni Ramon Revilla sa Dos. Kami kasi ang unang nagsualt nito at laking pasasalamat na hindi naman nag-deny si Lani Mercado.

    Ibinuking  din ni Lani Mercado na totoong going strong ang relasyon ng anak na si Jolo Revilla kay Lovi Poe.

    Kung panay deny sa press ang dalawa at sinasabing super-close friends lang sila, ang mother ni Jolo ay hayagang sinabing walang pagbabago sa relasyon ng dalawa at lalo pang nagiging matatag ito.

    Sweet sina Lovi at Jolo, pero ayaw aminin sa press ang tunay nilang relasyon.

    Wala namang balak si Lani lumipat ng network.

    May trabaho naman daw siya palagi sa Kapuso network.

    “Hindi na ako makaaalis sa Siyete, kasi sa role ko sa All My Life hanggang September pa ang taping namin. As of now, bawal sa mga artista ng Kapuso na may soap na nilalabasan na magkaroong ng programa sa kabilang network. Okay na ako rito,” say ng magandang mother ni Jolo .

    Hepo naman ang matindi, isang fan nina Lovi at Jolo nagabuking sa aming kung minsan daw nakikitulog si Lovi sa bahay nina Jolo Revilla.

    True kaya ito?

    O well, why not, after all, Malaya naman si Lovi na magdesisyon para sa sarili niyang buhay. Kahit na limang alalay pa’ng pinagbabantay sa kanya ng inang si Rowena Moran, lumulusot pa rin si Lovi. Kahit saang show siya magpunta, nakabuntot si Jolo. Kung minsan nga, kasama pa’ng manager niyang si Leo Dominguez sa mga lakad pero kasabawat naman pala siya ni Lovi dahil nga pinababayaan niya ang alaga na tangayin ni Lovi si Jolo sa mga shows niya.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here