Lovi Poe iniwan na ni Jake Cuenca?

    706
    0
    SHARE

    Pagkatapos ng Kahit Puso’y Masugatan, ang indie film na Tuhog naman ang pagkakaabalahan ni Jake Cuenca at ang bago niyang serye sa ABS-CBN.

    Leading lady niya sa Tuhog si Eugene Domingo kaya kinumusta namin sa kanya ang tungkol dito at natanong kung may kissing scenes ba sila.

    Ayon kay Jake ay marami raw silang kissing scenes ni Uge at nakunan na raw.

    “Okay naman. Torrid,” natatawa niyang sabi.

    Happy nga raw siya dahil nabibigyan siya ng opportunities na makatrabaho ang iba’t ibang aktres natin sa industriya. Pagkatapos nina Andi Eigenmann at Iza Calzado na leading ladies niya sa Kahit Puso’y Masugatan, this time sa pelikula ay iba na naman daw ang kanyang kapareha at mas gusto raw niya ang ganu’n.

    Nang makumusta ang lagay ng puso niya ngayon, sagot ni Jake, “sakto lang”.

    Aniya ay kailangan daw kasi ng oras para sa love life at sa hectic ng schedule niya ngayon, medyo nawawalan siya ng oras.

    Asked kung kumusta na sila ni Lovi Poe, say niya ay magkaibigan pa rin naman daw sila.

    “Nag-uusap pa rin kami. Kaya lang kasi, parehong busy. Pero ano naman siya sa akin, espesyal naman siya sa akin. Pero sa ngayon talaga, habang walang oras, mahirap talaga.

    Pero ang maganda kasi do’n, na-maintain namin ang friendship. Hanggang ngayon naman, nag-uusap kami, nagkaka-textan, minsan, nagkikita kami,” he said.

    Pero hindi ba nanliligaw na siya dati kay Lovi? Tumigil na ba siya?

    “Ah, kasi nga, lagi kong sinasabi, ako ’yung tipo na hindi nanliligaw, eh. Gusto ko, magkaibigan muna, then pagkatapos maging magkaibigan, tingnan natin kung ano ang mangyayari. Pero kasi, ang ligaw, mahirap, eh.

    Siyempre, ’pag nanliligaw ka, one foot forward, pakitang-tao, tapos ’pag naging kayo na, bigla mong makikita, iba pala ang personalidad n’yo pareho. So, mas maganda talaga, magkaibigan, ipakita mo na kung ano ang dapat ipakita and from there, kung kayang tanggapin, eh, di puwede.”

    Sa kanyang career naman, ani Jake ay marami pa siyang gustong marating pero so far, masayang-masaya raw siya na nakamit niya ang kanyang first award mula sa PMPC Star Awards for Movies last year bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang In the Name of Love.

    “Tuwang-tuwa ako do’n kasi matagal ko nang pinagtrabahuhan ’yun talaga. Matagal kong pinangarap ’yun at nakuha ko.”

    Sa bago naman niyang drama series sa ABS-CBN, hindi pa raw puwedeng idetalye pero kakaiba na naman daw ito sa dati nang nakita sa kanya.

    Kung dati ay medyo dark daw ang karakter niya, this time ay medyo lihis daw kaya abangan na lang daw natin dahil malapit na rin nila itong simulan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here