Louise Delos Reyes umaming starlet lang kumpara sa big star na si Anne Curtis

    96
    0
    SHARE

    MALAKING BAGAY kay Louise Delos Reyes na maikumpara kay Anne Curtis. Pareho kasi silang gaganap na sirena, si Anne bilang Dyesebel at siya naman sa isang natatanging role sa isang serye sa GMA 7.

    Pero hindi rin ikinakaila niv Louise na stressed siya sanhi ng kumparasyon nila ni Anne.

    “Siguro that cannot be helped kasi pareho kaming sirena. At siyempre, mas malaki ang pressure sa’kin kasi she’s a bigger star. Basta I promise to do everything that they’ll require me to do para mapaganda ang show dahil ayokong mapahiya ang mga nagtiwala sa’kin na akong kinuha as ‘Kambal Sirena’.”

    Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ng real life bf niyang si Enzo Pineda? “Mas okay na kami ngayon,” she says. “Mas nag-grow ang relationship namin. Iba nang tingin namin sa love and commitment.”

    “We’re more mature now,” he says. “Mas masarap ang pakiramdam kasi wala nang selos-selos. Mas focused na kami sa work namin and we understand na yung aspect ng work namin na separate sa what we are in real life.”

    Bakit daw di sila pinagtatambal ng GMA 7 sa isang proyekto? “Siguro may ibang plans ang GMA for us kaya hindi kami pinagtatambal. Pero okay na rin yun kasi on cam, mas identifi ed siya with Alden Richards pero pinaghiwalay na rin sila ngayon.

    Si Aljur (Abrenica) na ang katambal niya sa ‘Kambal Sirena’. Ako naman, I’m paired nga with Sarah dito sa ‘Basement’ and I’ve fi nished a new movie with Lauren Young, ‘Bigkis’, directed by Buboy Tan. There’s another movie offer na makakasama ko naman si Jake Cuenca,” si |Enzo Pineda naman ang nagsalita.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here