Liz Alindogan talent manager na rin

    521
    0
    SHARE

    Words of wisdom yung mga sinabi ni Liz Alindogan na kahit ano pa ang mangyari, na kahit anong gusot at problema ang pasukan, huwag bibitaw at huwag tatakasan ng katinuan.

    Sa Pagdting Ng Moment show ng mga kasamang reporter, sa Zirkoh, isa si Liz Alindogan sa mga bisitang artista. Na siyemnpre, dahil kaibigan talaga noong araw, excited siyang nakipagkuwentuhan sa mga press.

    Yes, she’s now doing some sort of a comeback dahil magaling naman siyang artista talaga. She maybe a sexy star of sort noong araw, pero isa siya sa mga natatakan bilang aktres noong kanyang panahon.

    Liz Alindogan is now a part of 100 Days ng ABS at markado ang role bniya. Kumbaga, this marks her comeback and is rarin’ to go on and on.

    Maraming kuwento tungkol sa nakaraan si Liz  at panay ang tanong niya sa mga kaibigan niya noong araw.  Na focus ang kanyang mga tanong tungkol sa isang reporter/star builder ang ngayon ay nawala na. Nang kuwento sa kanya yung di na matino ang naturang personalidad, nanghinayang siya.  “Sayang siya, matalino siya, bakit siya nagkaganun?”

    When told na nag-self-destruct yung reporter,at di na nakayanan ang lahat, ayon kay Liz, di raw ito dapat bumitaw.

    Maraming kuwento si Liz tungkol sa mga pinagdaanan niya. At pati yung experiences ng ibang kakilala niya na kahit anong hirap ang pinagdaanan, hindi sila bumitaw, they maintained their dignity and sanity.

    Oo nga naman.

    By the way, bukod sa kagustuhang makabalik sa limelight, Liz is also into talent managing now. Kasama niya sa Zirkoh ang dalawang talent niya, sina Lloys and Arnie. Parehong star material ang dalawa and the way we see it, sa excitement ni Liz, hindi malayong sisikat din ang dalawa niyang alaga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here