BUNSO at nag-iisang kapatid na lalaki nina Toni, Bea, Angel at Shaina ang role ni Enchong Dee sa pelikulang Four Sisters And A Wedding na kick-off movie para sa 20th anniversary ng Star Cinema. Pero kung sa totoong buhay ang sitwasyon, ayaw niyang maging kapatid ang apat na aktres.
“Siyempre, hindi. Unang-una, sayang! Ha! Ha! Ha! Sayang.
“Number two, hindi ko kayang makipagsabayan sa energy nila. Magdamag sila kung mag-usap. Nakakapaos!
“And number three, ano ba ’yung number three? Hindi kasi, kumbaga, ngayon lang ’yung pagkakataon na makikita ko sila as kapatid. Siyempre, hindi,” katwiran ni Enchong.
Eh, ang mga girls, gugustuhin ba nilang maging kapatid si Enchong?
“Hindi rin masyado! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Shaina.
“Sabi ko na nga, may pagtingin ka sa akin,” singit ni Enchong.
“Ang kapal ng mukha mo! Hindi. Gugustuhin ko ba? Para na kasi siyang little brother sa amin ni Bea. Kasi, isang handler lang kami.
“Actually, nakakatuwa nga dahil para kaming nagba-bonding sa movie. So hindi malayong magustuhan ko na magkaroon ng little brother sa ’yo, Enchong,” sabi pa ni Shaina.
Eh, si Angel?
“Kumbaga, parang naiipit ako dito, eh. Ah, sige na nga, oo! Actually, si Enchong napakabait, eh. ’Pag naiisip ko na siya ang kapatid ko, parang may lagi kang nauutusan. Meron akong laging mapapagalitan!
“Napakabait talaga ni Enchong at malambing! Masarap kasama. Naalala ko nga ang kapatid ko sa kanya!” tugon naman ni Angel na matagal nang crush ng young actor noong GMA days pa ng aktres.
Sagot naman ni Bea, “Hindi! Feeling ko, mahal maging kapatid si Enchong! Ha! Ha! Ha! Pero sa totoong buhay, parang kapatid ko na rin siya. Lagi siyang nandiyan kapag may importanteng events sa buhay ko. Alam niya ang istorya ng importanteng tao at importanteng bagay sa buhay ko. So brother ko na rin talaga siya!”
“Si Enchong po, kaibigan talaga ni Alex (Gonzaga), kapatid ko. Madalas ko na siyang nakikita at nakakasama dahil sa kapatid ko. Kaya pakiramdam ko, kapatid ko na siya in real life. Kasi wala akong kapatid na lalaki so pasado siya!” sagot naman ni Toni.