Home Headlines Liquor ban: P30k halaga ng alak nakumpiska

Liquor ban: P30k halaga ng alak nakumpiska

336
0
SHARE

Ibinubuhos ni Mayor Jocelyn Castañeda ang mga nakumpiskang alak. Larawang kuha ni Larry Biscocho



MARIVELES, Bataan
Nakumpiska ng pulisya ngbayang ito ang mga botelya ng alak, kabilang ang ilang imported, sa isang checkpoint dito nitong Biyernes.

Ayon kay Lt. Col. Ronald Almirol, Mariveles police chief, ang mga alak ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P30,000. Kasalukuyan pa umanong umiiral ang liquor ban sa Mariveles.

Pinangunahan mismo ni Mayor Jocelyn Castañeda kasama si Almirol ang pagbubuhos ng mga alak sa kanal sa harapan ng munisipyo upang hindi na ito mapakinabangan pa.

“Ayon sa initial information na na-gather natin, idedeliver ito sa mga trabahador sa isang kumpanya pero hindi na natin nadetermine kung saang kumpanya ito, sabi ng hepe ng pulisya.

Batay sa direktiba ng ating mayor, confiscation ang kaakibat ng mga pagtransport ng liquor dito sa bayan ng Mariveles at kanina nga ay dinispose na natin,” dagdag pa nito.

Nagbabala din si Almirol sa mga nagtitinda ng alak habang umiiral pa ang liquor ban.

Bilang babala sa ating mga kababayan na nagnenegosyo sa alak, sana hangga’t may pinapairal na liquor ban ay tigilan na muna nila ang pagbebenta, pagdidistribute at pagkunsumo ng alak dito sa bayan ng Mariveles, sabi ng hepe.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here