
MACABEBE, Pampanga – Sa direktiba nina Gov. Lilia “Nanay” Pineda at Vice Gov. Dennis “Delta” Pineda, personal na inihatid nina 4th District board member Dr. Kaye Naguit, provincial health officer Dr. Dax Tidula, at provincial disaster risk reduction and management officer Janica Yambao ang mga kinakailangang gamot sa Macabebe Rural Health Unit. Kabilang dito ang multivitamins, sulfur ointment, pediatric oral medicines at antibacterial medicines na malugod namang tinanggap ni Vice Mayor Vince Flores ang tulong, habang nagpaabot ng pasasalamat ang Macabebe RHU sa agarang pagtugon ng pamahalaang panlalawigan.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang transport assistance ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army gamit ang army trucks upang matulungan ang mga residenteng kailangang makabiyahe sa kabila ng baha. Pampanga PIO/Photos: Jaja Galang, PFC Dionymar Recamata



