Libo-libong Aeta dismayado sa SBMA, pangako hindi tinupad

    537
    0
    SHARE
    SUBIC BAY FREEPORT – Dismayado parin umano ang may 1,000 mga katutubong Aeta dahil hanggang sa ngayon ay wala pa silang nakukuhang parte sa kita ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pagpapa-lease at pagpapaupa ng kanilang Ancestral land na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno.

    Lumabas ang karaingang ito ng mga Aeta ng pasinayaan ang bagong Regional Leaf Warehouse ng Phillip Morris International sa may 50,000 square meter na ektaryang lupain ng mga katutubo na nasa loob ng Subic Techno Park, dito na may 50-taong kontrata na pinaupahan ng SBMA.

    Ayon kay Bonifacio Florentino, presidente ng Pastolan Aeta Development Association (PADA), hindi pa umano naibibigay yung kanilang parte na ipinangako ng SBMA na P2-milyon kada taon at wala pang malinaw na usapan dahil hindi pa tapos ang joint management agreement sa pagitan ng SBMA, PADA at National Commission on Indigenous People (NCIP).

    Idinugtong pa ni Florentino na 10% sa P2-milyong pisong halaga ang hinihingi ng NCIP na mahigpit naman tinututulan ng mga Aeta kung kaya nababalam ang kanilang pagasa na makamtan ang matagal ng benepisyong ipinangako sa kanila.

    Sa ginawang pagpapasinaya sa bagong warehouse ng Philip Morris, hiniling ni Florentino sa pamunuan ng Philip Morris na alagaang mabuti ang kanilang lupain, kultura at kapakanan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here