2 patay, 17 positibo sa dengue sa Zambales

    234
    0
    SHARE
    SAN ANTONIO, Zambales – Dalawa na ang namatay sa dengue, samantalang 11 na ang isinugod sa San Marcelino District Hospital na nakitaan ng sintomas na positibo ng pagkakaroon ng dengue.

    May isang kaso naman sa bayan ng Castillejos at San Marcelino na pawang sa lalawigan ng Zambales.

    Ayon pa kay acting Mayor Efren Aratea nagsimula ang dengue sa kanilang bayan noong July 27 sa barangay San Miguel at nakarating na ito sa kalapit na barangay.

    Idinugtong pa ng alkalde na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “fumigation” ay unti-unti aniyang naitataboy ang mga lamok na siyang may dala ng sakit na dengue, kasabay ng panawagan sa mga residente na linisin ang kanilang paligid at tanggalin ang anumang bagay na maaring bahayan ng lamok.

    Nanawagan din si Aratea sa local at national government na tulungan sila para mabigyan ng lunas ang paglaganap ng dengue sa kanilang bayan.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here