Lauren Young may torrid kissing scenes kay Richard Gutierrez

    637
    0
    SHARE

    AT DAHIL kapareha siya ni Chard sa suspense-action movie ng GMA Films na Overtime, hiningan ng press ng reaksyon si Lauren Young tungkol sa Zion revelation.

    Sa packet interview, sinabi ng nakababatang kapatid ng Miss World titlist na si Megan Young na hanga siya kay Sarah dahil sa pagiging matatag nito.

    Hindi isyu kay Lauren ang ginawang pagtatakip nina Chard sa katotohanan dahil naniniwala raw siya na nadadaan ang lahat sa tamang timing. Malaking bagay daw ang pagdating ni Zion sa buhay ng showbiz couple kaya masayang-masaya siya para kina Chard at Sarah.

    “I can’t wait to meet him (Zion),” dugtong pa ng 20-year-old actress. Nang usisain ng press tungkol sa sariling lovelife, ani Lauren, loveless siya ngayon. Nagkaroon daw siya ng regular/constant date na volleyball player sa loob ng ilang buwan, pero wala na silang communication ngayon.

    Kinailangan daw kasing lumayo ng player, tumira sa Clark para sa kanyang pag-aaral. Kaya, nagdesisyon sila to part ways. Ang layo raw kasi, sey ni Lauren, at hindi pa siya handang hatiin ang oras niya ngayon between her career and a long-distance relationship.

    Ilang buwan na ring nangyari ‘yon. Hanggang ngayon, wala raw siya ni isa mang manliligaw. “Parang takot sila sa akin,” sundot niya, sabay sabing “baka after this, dadami… kasi naka-bra lang ako?

    “’Wag naman, kailangan ko ng date sa premiere.” Ang tinutukoy ng batang aktres ay ang eksena sa Overtime kung saan tumakbo siya nang nakapalda at bra lamang.

    First time raw niya ginawa ito, pati na ang pakikipag-torrid kissing at love scene, kaya uneasy siya nu’ng una. Buti na lang daw, supportive si Chard na leading man. Inalalayan at tinulungan daw talaga siya nito sa maiinit at maseselan nilang eksena.

    “Wala namang dila, tanggal-tanggal lang ng damit,” hirit ni Lauren sa torrid kissing. “Nakita langang cleavage ko.”

    Hacker ang role ni Chard sa movie na gagamitin at pagtatangkaang “pasabugin” ang sekretaryang si Jody (Lauren) para makaganti sa kumpanyang muntik na siyang patayin.

    Twelve days kinunan nina Direk Wincy Ong at Earl Ignacio ang Overtime, na magbubukas sa mga sinehan sa July 2.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here