Home Headlines LANDBANK, DOT nagtulong upang isulong ang digital payments at mabilis na procurement...

LANDBANK, DOT nagtulong upang isulong ang digital payments at mabilis na procurement para sa turismo

122
0
SHARE
Nilagdaan nina Tourism Secretary Ma. Esperanza Christina C. Frasco (kanan) at LANDBANK President and CEO Lynette V. Ortiz (kaliwa) ang dalawang kasunduan upang pabilising ang ang mga transaksyong pampinansyal at procurement process sa sektor ng turismo, noong 13 Enero 2026 sa New DOT Building sa Makati City.

Mas pinalakas pa ng LANDBANK at Department of Tourism (DOT) ang kanilang pagtutulungan upang gawing mas simple at mas mabilis ang mga transaksyong pampinansyal sa sektor ng turismo, gamit ang digital solutions ng LANDBANK.

Sa kasunduang nilagdaan nina LANDBANK President and CEO Lynette V. Ortiz at Tourism Secretary Ma. Esperanza Christina C. Frasco noong ika-13 ng Enero 2026 sa New DOT Building sa Makati City, gagamitin ng DOT ang payment facility ng Bangko na Link.BizPortal upang pabilisin ang pagbabayad ng accreditation fees, iba pang bayarin, at pagbili ng bidding documents upang mabawasan ang manu-manong proseso.

Ayon kay LANDBANK President Ortiz, malaking tulong ang digital payments at mas mabilis na procurement upang mas makapagpokus ang DOT sa pagpapalago ng turismo at sa pagsuporta sa mga negosyante at manggagawang umaasa rito.

Kasama rin sa kasunduan ang paggamit ng DOT sa Government Purchase Card (GPC) Program ng LANDBANK. Magsisimula ito sa 16 na Regional Directors sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, upang pabilisin ang procurement ng mga produkto at serbisyo para sa tourism operations, habang mas maayos na namomonitor ang pondo at gastos.

Para naman kay Tourism Secretary Frasco, mahalaga ang ganitong mga inisyatibo upang masigurong direktang napapakinabangan ng mga lokal na komunidad ang mga oportunidad na dulot ng turismo.

Ipinapakita ng partnership na ito ang patuloy na suporta ng LANDBANK sa digital transformation ng pamahalaan, sa pamamagitan ng mga serbisyong madaling gamitin at may malinaw na pakinabang sa publiko.

Sa pamamagitan ng digital payments at mas episyenteng procurement, layon ng LANDBANK at DOT na suportahan ang tuloy-tuloy at inklusibong paglago ng industriya ng turismo sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here