Laguna lake pwedeng tugunan ang pangangailangan sa tubig

    333
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Pinag-aaralan na ng Makanyang ang pagkuha ng dagdag na tubig sa Laguna Lake para matugunan ang pangangailangan ng Metro Manila, at maiwasang kapusin sa patubig ang magsasaka sa Gitnang Luzon.

    Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje, nakipagpulong sa kanila si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasama ang mga kalihim ng mga Department of Agriculture, Public Works and Highways, and Interior and Local Government noong Biyernes ng gabi.

    “Inabot kami ng gabi sa discussion kung paano magagamit ang tubig sa lawa,” ani Paje sa panayam ng programang “Obet P” sa DWIZ radio, patungkol sa Laguna Lake.

    Sinabi niya na sa kasalukuyan ay kumukuha ang Metro Manila ng kabuuang 50-million liters per day (MLD) mula sa lawa sa pamamagitan ng the Putatan treatment plant.

    Ito ay halos 30 porsyento ng pangangailangan sa tubig inumin ng Metro Manila; at halos ika-anim na bahagi lamang ng 300-MLD na inaasahang kukuning tubig sa lawa.

    Binigyang diin ni Paje na ang lawa ay isang alternatibong source ng tubig, at umaabot sa 2.5-bilyong litro ng tubig ang nasasayang doon kada taon.

    “Gusto ni President Aquino na pag-aralan ang iba pang alternatibong pagkukunan ng tubig at gusto niya ay tuloy-tuloy na ang pagkuha ng tubig sa lawa,” ani Paje.

    Sinabi niya na patuloy sila sa paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng tubig para sa Metro Manila at tutugon sa taunang pagkaubos ng patubig sa magsasakang Bulakenyo at Kapampangan na umaasa sa alokasyon mula sa Angat Dam.

    Ayon pa kay Paje, ang pakikisangkot ng Pangulo sa pagtiyak ng pagkukunan ng tubig para sa mga magsasaka ng Gitnang Luzon ay isang magandang balita sa mga magsasaka.

    Inayunan naman ito ni dating Gob. Roberto Pagdanganan, ang host ng programa sa DWIZ na kumapanayam kay Paje.

    Sinabi ni Pagdanganan na matagal na panahon ng nadurusa ang mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga dahil sa hindi lamang napuputulan ng alokasyon bawat taon ang mga ito, sa halip ay nabawasan ang kabuuang 36cms na alokasyon ng magsasaka mula noong 1997.

    Nagpasalamat din si Pagdanganan sa pagtugon ng Malakanyang sa pangunguna ng Pangulo sa pangangailangan sa tubig ng mga magsasaka. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here