Laguna Governor ER Ejercito to launch PMPC’s official website

    106
    0
    SHARE

    KASABAY ng fund-raising show ng Philippine Movie Press Club, Inc., titled  “All For The Love of Juan” sa May 5, 9 PM, na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato, ay ang launching ng PMPC website kung saan si Laguna Governor ER Ejercito ang magla-launch sa ganap na 8PM.

    Sina Jose Manalo, Wally Jose at Toni Gonzaga naman ang nasa main cast ng ‘AFTLOJ’ show.

    Hindi nagdalawang-salita  ang PMPC na maimbitahan si Gov. ER para siyang mamuno sa pagbubukas ng PMPC website.

    Ikinagagalak ng actor/politician ang pagkakapili sa kanya na maging bahagi sa opening ng website ng club kung saan magkaroon na nang komunikasyon ang organisasyon sa buong mundo, hindi lang sa ating bansa.

    Maihahatid ang nangyayaring balita sa entertainment world . Updated na ding mapapanood ang mga events at activities ng club.

    Magkakaroon din ng showbiz talk show  sa naturang website titled “CAFE PMPC” sa pangunguna ng Presidente ng club na si Roldan Castro kasama ang mga officers at members.

    Buong-pusong nagpapasalamat ang  PMPC kay Gov. ER dahil kahit abalang-abala ito sa mga gawain bilang ama ng Laguna ay hindi ito naging dahilan para hindi mapahindian ang organisasyon.

    Malapit kasi ang puso ni Gov. ER sa mga manunulat (PMPC man o hindi) dahil nakasama na niya ang mga ito kahit nu’ng hindi pa niya pinapasok ang mundo ng pulitika. Siya rin ang major sponsor ng fund raising show ng PMPC na kung saan ay para sa medical assistance program ng club.

    Kasabay rin nito ang contract signing ng Global Advertising Digital On Line Network Publishing Center (GADON PC)  ni Atty. Lorenzo G. Gadon, website designer Jojo Villaraza at ang PMPC para sa naturang website. 

    Samantala, makakasama nina Wally, Jose at  Toni sina Rocco Nacino, Albie Casiño at Steven Silva.

    Maghahandog din ng awitin sina Michael Pangilinan, DK Valdez, The Frontmen at Divalet.

    Para sa iba pang detalye, tumawag sa SM tickets– 4702222 o ‘di kaya sa PMPC office 7100352, or cp# 09215498931.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here