LUNGSOD NG MALOLOS – Nakahandang suportahan ni dating Pangulong Joseph Estrada si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung sakaling sila ay kapwa magwawagi sa halalan sa Mayo 2010.
Si Estrada ay muling kumakandidato bilang Presidente, samantalang si Gng. Arroyo ay kandidato bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga, at may posibilidad na maging Speaker ng House of Representatives.
“Nakahanda akong tulungan siya,” ani Estrada sa isang panayam habang kanyang isinasagawa ang kanyang Lakbay Pasasalamat sa Bulacan kahapon.
Gayunpaman, ang tulong na ibibigay ni Estrada ay nakadepende kung tama ang gagawin ni Arroyo sa Kongreso.
“Kung tama ang gagawin niya okay lang, pero kung hindi, walang mangyayari,” ani Estrada.
Tinanong din ng mamahayag kung ano ang gagawin ni Erap kung muli siyang ipa-impeach sakaling siya ang manalong presidente sa 2010 at sakaling si Arroyo naman ang maging Speaker of the House.
Dito ay binigyang diin ni Estrada na hindi na umano mauulit ang nangyaring impeachment laban sa kanya.
Ayon sa kanya tama na ang isang impeachment at hanggang doon na lamang iyon.
Sinabi ni Estrada na natuto na siya sa kanyang mga naging pagkakamali.
Kasama ang mga kandidatong senador ng Partidong Masang Pilipino (PMP), inikot ni Estrada ang lalawigan ng Bulacan kahapon para sa kaniyang “Lakbay Pasasalamat”.
Nagsimula ang dating pangulo sa kanyang pag-iikot pasado alas-otso ng umaga at bumaba sa Sta. Monica High School sa bayan ng Hagonoy sakay ng isang chopper.
Pagkatapos ay nag-motorcade ito sa naturang bayan pagkatapos ay tinungo din ang bayan ng Paombong, Malolos, Bulakan, Guiguinto at Plaridel.
Tinungo din ng dating pangulo ang liblib na lugar sa Malolos partikular ang relocation site sa Barangay Bangkal.
Nagmistulang advanced campaign ni Erap ang naturang “Lakbay Pasasalamat” dahil sa kasama nito ang kaniyang ilang mga senatoriables tulad nina: Sen. Jinggoy Estrada, Jun Lozada, Joey De Venecia, Rodolfo Plaza, ex-Senator Kit Tatad at J.B Bautista.
Ngunit binigyang diin ni Erap na ang kanyang pag-ikot ay bilang pasasalamat sa Masang Pilipino sa patuloy na pagsuporta sa kanya.
Aniya, hindi pa rin nagbago ang pagtanggap sa kaniya ng mga Bulakenyo tulad noong 1998 ng una siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Binigyang diin ni Erap sa kaniyang mga talumpati sa kanyang pag-iikot na wala namang napatunayan sa mga akusasyon laban sa kaniya.