LUNGSOD NG ANGELES – Posibleng masira ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina kung tuluyang guguho ang kasalukuyang negosasyon ng kontrata para sa konstruksyon ng proyektong NorthRail.
Ito ang babala ni Mayor Edgardo Pamintuan ng lungsod na ito na dati ay nagsilbing taga-pangulo ng North Luzon Railways Corporation (NorthRail) na isang subsidiary ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).
“It will hamper and will definitely result to not so good diplomatic relationship between China and our country,” ani Pamintuan.
Ang kanyang tinutukoy aniya ay ang kasalukuyang negosasyon ng kontrata sa pagitan ng Pilipinas at Tsina para sa konstruksyon ng NorthRail sa pamamagitan ng Sinomach Group, isang kumpanyang pag-aari ng pamahalaang Tsino.
Ang negosasyon ay tinatayang matatapos sa Mayo 28, matapos kanselahin ang kontrata ng Sinomach Group noong Marso 28, na naging dahilan naman ng pagsibak sa 70 kawani ng NorthRail.
Ayon kay Pamintuan, kailangang apurahin ng mga kinatawan ng Pilipinas ang pakikipagnegosasyon para matuloy ang proyektong NorthRail dahil matagal na itong naantala.
“When I started as chair of North Rail in 2008, we were five years behind, and we were able to move on after I renegotiated it,” aniya.
Sa panahon ng pamumuno ni Pamintuan sa NorthRail, ipinakita niya na intresado ang Pilipinas na makumpleto at mapaandar ang NorthRail.
Ito ay naghatid din ng sigla at pag-asa sa mga negosyante at ibang mamumuhunan dahil nakita nila ang masigasig na pagpapatuloy ng proyekto na tinampukan ng pagtatayo ng mga poste para sa viaduct ng NorthRail mula Guiguinto hanggang Lungsod ng Malolos, na ngayon ay kinakalawang na.
Itinuloy ng mga kontraktor na Tsino ang nasabing proyekto matapos nila itong abandonahin ilang buwan bago manungkulan si Pamintuan bilang tagapangulo ng NorthRail.
Ngunit sa unang walong buwan ng administrasyong Aquino, muling bumagal ang konstruksyon ng NorthRail dahil sa pagrerebisa ng gobyerno sa proyekto na nagbunga ng pansamantalang pagkansela sa kontrata ng Sinomach Group noong Marso 28.
Dahil dito, pinayuhan ni Pamintuan ang administrasyong Aquino na maging maingat sa mga desisyon hinggil sa NorthRail upang magpatuloy ang relasyon sa pamahalaang Tsino.
“Para di masira ang relasyon natin sa China, ngayon pa lang pag-usapan na natin kung bibitawan o hindi kasi we are paying the interest of the loan,” aniya.
Idinepensa din niya ang mga Tsino sa pagsasabing, “harapin natin ang katotohan kahit napamahal na ng konti, hindi kasalanan ng China, pagpapahiram lang ng pera ang ginawa nila, at nirerespeto ng administrasyong nito kung anumang kontrata at kung mayroon mang amendment sa mga naunang kontrata. I think it is justified dahil five years after tumaas bilihin, at yung exchanges sa currency nag-iba.”
Iginiit pa niya na seryoso ang Tsina na ituloy at tapusin ang konstruksyon ng NorthRail dahil sa ito ang kanilang kauna-unahang overseas development assistance (ODA).
“NorthRail is their biggest project in the Philippines, gusto nilang gawing benchmark ito for other projects. They want to showcase Northrail that China can do much better than other countries in coming up with this project,” ani Pamintuan.
Ang konsepto ng NorthRail ay nabuo noong kalagitnaan ng dekada 90 na naglalayong makapaglatag ng riles para sa pangmaramihang sistema ng transportasyon sa pagitan ng Maynila at Gitnang Luzon.
Ang unang bahagi ng proyekto ay may habang 32.2 kilometro sa pagitan ng mga lungsod ng Caloocan at Malolos.
Ang NorthRail at kasalukuyang itinatayo sa inabandonang riles na pag-aari ng Philippine National Railways (PNR), kung saan ay mahigit sa 27,000 pamilyang iskwater na namahay ngunit inilipat ng tirahan noong 2005.
Ang riles ng PNR ay itinayo ng mga Kastila noong hloing bahagi ng 1800, at ang unang linya na pinasiyaan ay mula sa Tutuban hanggang sa bayan ng Calumpit.
Ito ay pinasinayaan noong Marso 24, 1891, ilang taon bago sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila.
Noong 1996, ang pamahalaang Kastila ang kauna-unahang nagpahayag ng interes para muling itayo ang riles na tinawag na proyektong NorthRail.
Ngunit hindi ito natuloy at noong Nobyembre 2004 ay lumagda si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na isang kasunduan ng pag-utang sa mga Tsino ng Halagang mahigit sa $500-milyon para sa konstruksyon ng NorthRail.
Ito ay sinundan ng relokasyon ng mahigit sa 27,000 pamilyang iskwater na nakatira sa gilid ng riles at ng paghahanda ng mga Tsino sa konstruksyon.
Noong unang bahagi ng 2008 ay inabandona ng mga Tsino ang proyekto, at nagsipagbalik lamang matapos makipagnegosasyon si Pamintuan.
Sa kasalukuyan, mahigit 15 taon na ang lumipas matapos magsimula ang konsepto ng NorthRail, ngunit hanggang ngayon ay wala pang nailatag na riles kahit isang pulgada.