Hindi kagandahan ang mga komento tungkol kay Andi Eigenmann sa isyu ng pagbubuntis nito. Very judgemental ang ibang calls na tila sinasabing hindi maganda ang pagpapalaki ni Jaclyn kay Andi.
Na kinulang daw ito sa moralidad kasi nga, mismong nanay niya, naging dalagang ina rin na hindi pinakasalan at ang tatay naman niya, nagkaroon ng maraming anaksa apat na babae kaya ganun.
“Kung ano ang puno ay siyang bunga,” sabi ang isang komento.
And take note, sa rami ng mga nakikisawsaw sa isyu ni Andi, puwedeng isiping pati Senado ay makikialam na rito.
Hahaha!
Heto po ang sampol ng ilang komento galling sa internet.
“You can’t blame Andi as she comes from a dysfunctional family and was not given proper guidance while growing up. Her mom Jaclyn Jose has two kids with different fathers. Her dad Mark Gil has seven kids with four different women. It won’t be surprising if Andi would later have other kids with other men.”
“Ano pa bang aasahan natin? Kung ano ang puno, siyang bunga. Unwed mother ang ina, unwed mother din ang anak. Mga disgrasyada.”
“We should admire Andi for choosing to keep her child and not get rid of it like other actresses did.”
“Magsama sila ni Jackie, they deserve each other, birds of the same feather flock together!”
Pero sa ttue lang, ang gulo lalo ng mga nangyayari ngayon. Lumabas na inaako na ni Jackie Estrada ang bata na tila nagpalaya na kay Albie who by all indication ay pinagsuspetsahan lang na siyang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Andi.
Actually, the issue of who the real dad is would be easy to resolve these days through DNA testing. The lesson here is don’t practice pre-marital sex, especially with different partners.
O di ba?