Kumusta na ang ‘Maguindanao massacre case?’

    797
    0
    SHARE
    Labing anim na buwan na ang nakaraan
    Mula nang maganap ang karumaldumal
    Na krimen, kung saan ang hinihinalang
    May kagagawan at ngayo’y nasasakdal.

    Ay angkan ng mga makapangyarihan
    At kilalang tao sa Kamindanawan,
    Pero inabot na ng ganyan katagal
    Wala pang na-‘arraigned’ yata sa hukuman

    Maliban kay Andal Ampatuan, Jr.
    Na nag-‘plead’ diumano ‘not guilty your honor’
    Nang basahan siya sa harap ng hukom
    Base sa nakuha nating impormasyon.

    (Na karaniwan nang tugtugin kumbaga
    Sa alin pa mang ‘court of justice’ tuwina;
    Kahit pa ma’t batid ng halos lahat na,
    Itong akusado ay ‘guilty’ talaga).

    At ang lalong higit na kataka-taka
    Ay ang pangyayaring tila absuwelto na
    Ang matandang Andal sa nakademanda
    Ng ‘murder,’ pati ang ibang kapamilya.

    Gayong ayon na rin sa mga testigo,
    Na pulis pa mandin ang iba po nito,
    Si Andal Sr. ang pasimuno mismo
    At nag-utos upang harangin ang grupo.

    O itong ‘convoy’ ng kabyak ni Ismael,
    On their way to Shariff Aguak town by that time
    Together with around more than twenty seven
    Journalists, and others who were abducted then

    And mercilessly killed by armed men of Andal
    Kasama pati na ang kababaihan
    Na inabuso’t na-ilugso ang dangal
    Bago walang patumanggang binaril yan!

    Na di maikakailang higit pa sa hayop
    Ang ginawa nitong sa laman ay hayok,
    Pagkat tunay namang nagkadurog-durog
    Ang mukha’t katawan sa bogang de sabog

    Ng ilan sa mga kawawang biktima
    Na animo ay nilapa ng buwaya;
    (Kung kaya’t kahit na di mo kapamilya,
    Maisusumpa mong igaganti sila).

    At posibleng sa sarili nating kamay
    Ilagay ang batas kung kinakailangan,
    Kapag naging mailap ang katarungan
    Laban sa mapera’t makapangyarihan.

    Sa puntong naturan huwag nawang matulad
    Ang kasong yan gaya ng na-‘dismissed’ sukat,
    Na di naresolba sa kung anong dapat
    Kalagyan nang dahil sa kislap ng pilak.

    Sapagkat aminin o hindi ng ilang
    Haligi pa mandin nitong katarungan,
    Salapi ang siyang madalas umiral
    Sa panahong ito – at di ang timbangan

    Ng mali’t matuwid itong sinusukat
    Ng ibang eksperto pa mandin sa batas,
    Kundi sa kung sino ang ika nga’y “bigshot”
    At/o may kabagang sa nakatataas.

    Sa puntong yan di ko sadyang ninanais
    Sirain ang imahe ng ‘bar of justice,’
    Pero maitatanggi po ba nating higit
    Matimbang ang pera sa lahat ng saglit?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here