Home Opinion Kumain ng wasto at maging aktibo

Kumain ng wasto at maging aktibo

2971
0
SHARE

YAN ANG paksang diwa nang idinaos na
‘prescon’ ng ‘CSFP health office,’ saka
ng mga dumalong ‘friends’ nila ‘in media’
re: national nutrition month’ sa Pampanga.

Headed by city Dads’ EDSA and Lazatin
together with Doctor Aquino and Health’s team
of the city,’ at kung saan buong giliw
na dinitalye ang dapat bigyang pansin.

Gaya nang kung bakit ang bata ay kulang
ang ‘weight’ nito base sa actual na ‘age’ nyan,
na payat subalit malaki ang tiyan,
ito ay ‘malnourished’ sa tingin pa lamang.

Na kailangang mabigyan ng masustansya
at mga pagkaing natural kumbaga,
gaya r’yan ng gulay, na liban sa mura
kaysa karne, ito ay pampalusog pa.

Uri ng pagkaing kahit sa likuran
lang ng ating bahay puedeng itanim yan
magsipag lang tayo paminsan-minsan
pagkagaling sa ‘work’ o sa iskwelahan.

Totoo ang naging pahayag ni Mayor
na higit mabisa na kainin nitong
mga bata ay ang ating katutubong
pagkaing sagana pati sa nutrisyon

Kaysa ano pa mang nausong pagkain
sa mga ‘fast food chain’ ngayon dito sa atin,
na ang rikado n’yan kung pakasuriin
posibleng sa tao di okey ang dating.

Na lalong di dapat marahil sa bata,
partikular itong basta na lang yata
inilalapag sa ‘school belt’ ika nga,
na kagaya ng pagkaing mamantika.

At iba pang ‘instant food’ na maituturing,
kung saan ‘from early morning up to evening’
nakatinda r’yan ang naturang pagkain,
na baka panis na’t di puedeng kainin.

Pero nang dahil sa kailangan talaga
ng may tinda nito na ya’y maging pera,
mapipilitan yan na ito’y ibenta,
kahit ito’y ikapahamak ng iba.

Isa yan sa ‘valid reason’ nitong Siyudad
kung bakit ngayon ay pinagbawal lahat
ang pagtitinda ng mga tinatawag
na ‘street food’ sa iskul anumang oras.

At maging sa harap lang ng iskwelahan
ito ay mahigit na ipagbabawal,
upang itong ating mga mag-aaral
ay mailayo ‘yan sa kapahamakan.

Bunsod na rin nitong iba na talaga
ang maging maingat, at di kailan sila
lulong sa di ikabuti ng ‘health’ nila
saka natin sisi-sihin itong iba.

Ang bayang malusog sa wastong nutrisyon
itong sambayanan, partikular itong
mga mag-aaral pa lamang sa ngayon,
sila’ng katuparan ng sinabi noon;

Ni Gat Jose Rizal, na ang kabataan
ang siyang pag-asa nitong Inangbayan,
na maaring ang ganap na katuparan
ay nasa kamay ng ngayo’y mag-aaral;

Yan sa ilalim nitong pangangasiwa
nina EdSa, JL at may gintong nasa
sa ikauunlad nitong Inangbansa,
ang adhikain n’yan ay mangyari nawa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here