Kris Imeldific

    589
    0
    SHARE
    Kris Aquino looks very good sa kanyang fuschia pink na Filipina terno which she donned sa premiere telecast ng kanyang bingo show noong Lunes. Talaga namang Kris carried it with élan at kung pipili tayo ng bagong terno endorser para sa buong mundo, si Kris Aquino na yun dahil nga talagang ang ganda-ganda niya.

    Kung kami si Kris, at this point, lagi ng terno-inspired ang isusuot naming gown sa bingo show na ito para kahit paano magmukha ng kagalang-galang  dahil may bagong fashion sense na siya.

    As it is, wala pang bumagay sa mga gowns na isinuot ni Kris sa mga nagdaang appearances niya sa tv. At the most, talagang nagmukha lang siyang overweight matron sa lahat ng mga damit na na isinuot na niya. Kumbaga may mali talaga sa fashion sense ni Kris at ngayon ngang bumagay na sa kanya ang terno, dapat ito na lang lagi ang isuot niya.

    Kay lang may hitch dito.

    Hindi ba, si Imelda Marcos ang dating epitome ng pagsusuot ng terno na kilalang kilala bilang nemesis ng pamilya ni Kris. Matuwa kaya itong sundan ang bakas ni Imeda Marcos?

    By the way, we would like to change the concept of the word imeldific. Kung kay Imelda Marcos, it largely meant spending big or splurging lavishly on weatlth, kay Kris it simply meant a new brand of fashionista. Kasi nga bagay na bagay sa dyowa ni James Yap ang nakasuot ng terno.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here