Kris Aquino iiwan na ang showbiz

    454
    0
    SHARE
    Hinihintay ng fans at followers ni Kris Aquino sa Instagram (IG) ang nabanggit na “I need to make some important life choices in the next few days… I am the girl who has passionately loved & prioritized my work, and these decisions aren’t easy that’s why I’m praying fervently for God’s loving guidance.”

    Wala pa mang sinasabi si Kris kung tungkol saan ang kanyang desisyon, parang alam na ng kanyang fans na may kinalaman ito sa kanyang career. Ang maganda, maiintindihan ng fans sakaling mawala muna sa TV si Kris o ’di kaya’y magbawas ng work load at hindi muna gumawa ng pelikula at ibang project.

    May kinalaman ang pagiging high blood ni Kris sa magiging pagbabago ng kanyang buhay. Napost nito sa IG na tumaas na naman ang BP niya kahit may iniinom siyang maintenance at nagnunormal lang ’pag nagpapahinga siya.

    Dagdag pa ni Kris, nag-usap sila ng kanyang mga kapatid dahil nagwu-worry ang mga kapatid niya sa health niya pati mga doctor niya kung ano ang dapat niyang gawin para manatiling normal ang kanyang BP.

    Kahapon, nasa bahay lang si Kris at nagpapahinga, pero this Tuesday hanggang Thursday, may taping siya ng Kris TV. Pero ready na ba si Kris na iwan sandali ang showbiz para sa kanyang health at para kina Josh at Bimby?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here