Isinalin ni Lt. Col. Natalio Jayson, kumander ng 48th Infantry Battalion (48th IB) na nakabase sa bayang ito kay Lt. Col. Elias Escarcha and kanyang posisyon.
Sinasabing nakabigla sa hanay ng militar at naging mabilisan ang desisyon na palitan si Jayson.
Nauna rito, si Jayson ay tumanggap ng mabibigat na puna, katulad ng umano’y pangha-haras sa ilang manggagawa ng Simbahang Katoliko sa akusasyong taga-suporta ang mga ito ng New People’s Army (NPA).
Hindi rin tinigilan ng Multi-Sectoragl Action Group (MSAG) ang sinasabing pagtutol ng nga residernte sa presensiya ng militar at pagsasagawa ng checkpoint sa ilang lugar.
Tatlong linggo ang nakalilipas, ang Prelature of Infanta na nakasasakop sa parokya ay naglabas ng isaang pahayag pastoral na ang counter-insurgency campaign ng militar sa kanilang lugar ay nagdudulot ng labis na takot sa mamamayan.
Nilagdaan ng 10 pare at Obispo Rolando Tirona, ang pastoral statement ay binasa sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa sa walong bayan ng Aurora noong Disyembre 16, 2008.
Bago ang pagsasalin ng posisyon kahapon, walang anumang pahiwatig sa magaganap hanggang si Jayson mismo ang magpaabot kay Gov. Bellaflor Angara-Castillo.
Hindi naman naniniwala ang punong lalawigan na gagawin ng militar na payuhan ang mga katekista at manggagawa ng Simbahan na huwag maniniwala sa mga pari.
“What would they gain if they do that?,” ani Angara-Castillo.