Koleksyong explosive device nadiskubre sa bahay ng duktor

    402
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Iba’t ibang uri ng mga explosive device gaya ng bomba, granada at tear gas ang nadiskubre sa isang bahay sa Baranggay San Pablo.

    Ngunit ang mga ito daw ay pawang mga koleksyon ng isang yumaong duktor.

    Ayon sa ulat, naghahakot na paalis ng inuupahang apartment sa naturang lugar ang asawa ng yumaong duktor nang madiskubre dito ang ibat ibang mga vintage bombs, granada at tear gas.

    Ayon kay Rose Gajudo, asawa ng yumaong si Dr. Hermie Landayan Jr., kakamatay lamang daw nito nang nakaraang linggo kayat nagsisimula na sila ng paglilipat ng tirahan.

    Ngunit habang naghahakot, nadiskubre nila ang iba pang explosive device collections ng yumaong duktor sa isang aparador.

    Natakot daw sila na baka sumabog ito kayat agad na pinagbigay alam sa mga otoridad ang tungkol dito.

    Agad namang rumesponde ang kapulisan sa naturang lugar. Sa imbentaryo ng PNP nakuha mula sa inuupang bahay ng duktor ang dalawang live smoke grenades at dalawang live tear gas.

    Nakuha din ang dalawang landmines (demilitarized) dalawang 60mm mortars (dummy), isang rocket (dummy), tatlong demilitarized grenade, dalawang dummy granades at iba pang mga military equipment. Nilinaw ng PNP na hindi konektado sa military o anumang grupo ang yumaong duktor at mahilig lamang ito na maglaro ng airsoft noong nabubuhay pa. Kinumpiska na ng PNP ang naturang mga kagamitan para sa tamang disposisyon.

    Maging ang mga buhay na tear gas at smoke grenades ay dineactivate na rin ng kapulisan.

    Siniguro ng PNP na wala nang anumang explosive device na naiwan sa naturang apartment at dineklarang ligtas naman ang naturang lugar.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here