MUKHANG nakakasabay na si Kim Chiu sa husay ng pagganap ni Coco Martin sa teleseryeng “Ikaw Lamang” ng ABS-CBN.
Nitong Biyernes Santo, nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na mapanood ang rewind ng “Ikaw Lamang” mula umpisa hanggang Miyerkules Santo. At pinatunayan ng dating Pinoy Big Brother (Teen Edition) champ na malayo na ang kanyang nararating bilang aktres.
Sapat-sapat ang “consistency” sa kanyang pagganap para hatulan siyang nakakasabay at nagkaroon pa ngchemistry ang tambalan nila ng pinakamagaling na drama actor ng bansa ngayon.
Sa umpisa pa lamang ng serye, hindi itinago ni Kim ang sobrang takot na hindi maging katanggaptanggap ang pag-arte niya kung ikukumpara sa multi-award winning niyang leading man. Kahit may dalawa siyang best actress award, alam niyang popularity award lang iyon dahil sa effort na ginawa ng solid Kim Chiu fans at ganun din ng KimeRalds nila ni Gerard Anderson.
Nakakatulong din ang mala-Romeo and Juliet na tema ng serye, at ang Gabriel at Maruja tandem nina Romero Vasquez at Susan Roces na nobela na sinulat ni Mars Ravelo at ilang beses ng isinapelikula.
Kahit kinamumuhian ng mga televiewers sina John Estrada, Ronaldo Valdez, Jake Cuenca at Ronnie Lazaro, basehan pa rin ito ng husay nilang pagganap sa mga roles na tanging sila lang ang makakagawa. Huwag ding kalilimutan ang tindi ng acting nina Tirso Cruz III at Cherie Pie Picache.
Pero, hindi kayang patawarin ng mga televiewers ang kasamaan ni Cherie Gil.