MALOLOS CITY – Bukod sa paglagda sa petisyon laban sa panukalang right of reply, nagpaplano ang mga mamamahayag sa Gitnang Luzon ng ibat-ibang pagkilos bilang pagpapakita ng pagkakaisa at panlipunang responsibilidad.
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Pampanga chapter, isang kilos protesta ng mga mamamahayag ang pinaplano ngayon buwan sa Plaza Miranda sa Angeles City.
Ito umano ay isang pagpapakita ng pagkakaisa sa hanay ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon laban sa panukalang right of reply na isinusulong sa Kongreso ni Kint. Monico Puentevella ng Bacolod at Senador Aquilino Pimentel.
Ang NUJP Bulacan Chapter at ang Central Luzon Citizens’ Press Council (CLPC) ay makikipag-ugnayan naman sa mga pamantasan sa Bulacan para sa pagsasagawa ng isang talakayan hinggil sa nasabing panukalang batas.
Ayon kay Dino Balabo, chairman ng NUJP-Bulacan at interim chair ng CLPC, nakausap na niya ang mga opisyal ng Bulacan State University (BulSU) at University of Regina Carmeli (URC) hinggil sa pagsasagawa ng isang forum sa right of reply bill.
Ang BulSU ay tumugon at nagtakda ng isang forum sa Marso 20.
“Tentative pa lang yung March 20, ang we are still working on it,” ani Balabo at iginiit na maaring makasama rin ang iba pang mga campus journalist sa Gitnang Luzon sa nasabing forum.
Sinabi niya na bukod sa pangangalap ng mga lagda at pagsasagawa ng mga kilos protesta bilang pagtutol sa right of reply bill, kailangan din ang patuloy na pagsasagawa ng mga forum upang maipaunawa sa mga tao partikular na sa mga kabataan ang nasabing panukalang batas.
“Hindi natatapos ang paglaban sa right of reply bill sa pagbabalik nito sa committee level ng Kongreso, sa halip ito ay isang wake up call para sa lahat ng mga mamamahayag upang gisingin ang kaisipan ng mga mamamayan sa banta ng panghihimasok ng ibat-ibang puwersa sa malayang pamamahayag,” aniya hinggil sa desisyon ni House Speaker Prospero Nograles noong Miyerkules na muling ibalik sa House Committee on Public Information ang panukalang right of reply matapos kondenahin at tutulan ng ibat-ibang samahan ng mamamahayag sa bansa.
Binigyang diin pa niya na, “while we conduct protest, our move to educate the people on the purpose and function of media must take root and continue. Its time to revisit our social responsibilities as journalists because I believe its not enough that we are reporting news events, as journalists, it is important that we explain to the people and students the role of the media. ”
Sinabi pa niya na sa pamamagitan ng mga forum ay higit na malilinawan ng mga tao ang right of reply bill at kung ano mga ginagawa ng mga samahan ng mga mamamahayag upang higit na mapataas ang anatas ng pamamahayag.
Aniya, isa sa mga ito ay ang pag-oorganisa ng mga Citizens’ Press Council sa ibat-ibang lalawigan.