KBL naghahanda na sa 2010

    163
    0
    SHARE
    STA. MARIA, Bulacan—Naghahanda na ang partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na itinatag ni dating pangulong Ferdinand Marcos para sa paparating na 2010 elections.

    Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtipon-tipon sa lalawigan ng Bulacan ang mga miyembro ng KBL para sa paglahok sa nakatakdang halalan.

    Sa pagtitipon ay inihayag ni Atty. Vicente Millora, chairman ng KBL, sa Punto! na may ilalahok sila sa 2010 presidential race.

    Ngunit aniya, sa ngayon ay hindi muna nila ihahayag sa publiko kung sino ang kanilang mamanukin sa pagka-pangulo ng bansa dahil sa malayo pa naman umano ang halalan.

    Aniya, siguradong may ilalaban ang kanilang partido para sa pagka-pangulo ng bansa.

    Ipinaliwanag pa ni Millora na sa katunayan ay kanila nang ipinroklama ang kanilang kandidato para sa lokal na halalan sa Bulacan.

    Idinagdag pa ni Millora na bukas ang KBL sa pakikipag-alyansa sa iba pang partido katulad ng ginawang pagsasanib ng partidong LAKAS at KAMPI.

    Sa katunayan aniya ay may koalisyon na ang KBL sa iba pang partido tulad ng Bigkis Pinoy, Reporma at Aksyon Demokratiko.

    Sang-ayon din umano ang KBL sa automated election para sa 2010. Sa pamamagitan ng computerized election ani Millora ay maiiwasan ang dayaan.

    Samantalang dumalo rin sa 1st Assembly ng KBL sa Bulacan sina Pilita Corales, Dulce, Amay Bisaya at Palito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here