Kaye Dacer ayaw sa kaplastikan

    92
    0
    SHARE

    Napaka-sincere ni Kaye Dacer sa mga sinasabi niya.  Dama mo talaga na nasa puso nito ang pagiging broadcaster dahil nga sa mga sinasabi niya sa mga interviews sa kanya. Walang ikot, walang ligoy, ang pula ay pula at wala ng ibang kulay pa.

    Kahit first time namin nakausap at nakaharap si Kaye Dacer, ang pamangkin ng nasawing si Bubby Dancer, sa radio program niya sa DZMM with her radio partner Julius Babao, ito talgangnaging feeling namin.

    True nga na madaldal si Kaye at look-a-like ni Ruffa Mae Quinto, pero may sense ang pagiging madaldal ng magandang radio commentator.

    Lahat pala ng nagiging co-anchor niya sa radio, nagiging senador.

    Tulad nina Chiz Escudero, magkapatid na Allan Peter and Pia Cayetano, Dick Gordon at Alfredo Lim.

    Kaya natanong tuloy namin kung balak bang pasukin din ni Julius ang pulitika?

    Natawa si Kaye.

    Wala raw siyang alam kung papasukin na rin ng co-anchor niya sa DZMM ang politics.

    “Ewan ko ba. May sumpa raw ako. Lahat ng nagiging partner ko sa radio nagiging senador,” natatawang pahayag ni Kaye.

    Naipagtapat din ni Ms. Kaye na may nag-alok din sa kanya na pasukin ang politics, pero agad daw niya itong tinatanggihan.

    “Hindi kasi ako puwedeng makipagplastikan. Kapag ayaw ko ang isang tao, hindi ko puwedeng itago.

    Sasabihin ko sa kanya nang harap-harapan. Eh, sa politics hindi nawawala ang plastikan, ’di ba?” nakangiting paliwanag ni Ms. Kaye.

    Sa radio program nga nila ni Julius, may tao siyang nakaalitan at nakiusap sa kanya ang co-anchor na huwag na lang itong pansinin.

    Pero nang makita raw niya ito, hindi niya nagawang  makipagplastikan.

     By the way, isa sa mga pinagkakabisihan ngayon ni Kaye ay yung perfume business niya. Ito yung Fragrance Of The Stars na talaga namang mabango.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here