Home Uncategorized Kauna-unahang synoptic weather station ng PAGASA-DOST sa Bulacan, binuksan

Kauna-unahang synoptic weather station ng PAGASA-DOST sa Bulacan, binuksan

316
0
SHARE
Sina Engr. Lorenzo Moron, chief ng PAGASA Regional Service Division (dulong kanan) at Dr. Nathaniel Servando, PAGASA-DOST administrator, (dulong kaliwa) sa inagurasyon ng kauna-unahang synoptic weather station ng ahensya sa Bulacan. Kuha ni Rommel Ramos

SAN ILDEFONSO, Bulacan — Binuksan na sa Barangay Pala Pala sa bayang ito ngayong Hulyo 18 ang pang-83 weather station ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration-Department of Science and Technology. 

Ito ang kauna-unahang operational synoptic station sa Bulacan na magsisilbing direct source of information para sa paghahanda kapag panahon ng tag-init, tag-ulan, bagyuhan o anumang lagay ng panahon.

Ito ay bahagi ng PAGASA-DOST modernization program para sa panibagong 10 synoptic station na ilalagay sa ibat-ibang strategic locations sa bansa para palakasin pa ang kapasidad ng nasabing ahensya para sa tama at napapanahong weather information.

Ang San Ildefonso weather station ay equipped ng state-of-the-art observational instruments kasama dito ang digital barometer para sukatin ang atmospheric pressure, aerovane at anenometer para sa direksyon at bilis ng hangin, rain gauges at thermometers para sa dry at wet bulb temperature na gamit naman para malaman ang relative humidity, heat index, at minimum temperature.

Ang mga weather observation measurements naman dito ay alinsunod sa standard protocol and practices na itinakda ng World Meteorological Organization (WMO).

Ayon sa PAGASA-DOST, magkakaroon ng ugnayan ang kanilang ahensya at local disaster risk and reduction management office para magamit nang husto ang mga data na makukuha sa nasabing bagong tayo na synoptic weather station.

Ang bagong weather station na ito ay naitayo sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso sa PAGASA-DOST sa ilalim ng isang memorandum of agreement noong July 2020.

Ang nasabing synoptic weather station ay operational na simula ngayong araw na may 24-hour na operasyon sa buong taon na pinamamahalaan ng mga nakatalagang weather observers at technical personnel.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here