Katarungan nawa ang umiral, laban sa mga Ampatuan

    455
    0
    SHARE
    At ang DOJ pa ang tila nagkulang
    Ng seguridad n’yan sa puntong naturan?
    Gayong sina Fortun ang kinakailangang
    Mag-sampa dapat ng “waiver of appearance”

    Kung ayaw na nitong iharap si Andal
    Sa “preliminary investigation” diyan;
    At “submitted for resolution” na lamang
    Ang “motion” nila sa naturang tanggapan.

    Disin sana’y di na umabot sa puntong
    Itong mabait na kliyente ni Fortun,
    Ay di na dinumog nang oras na iyon
    Ng ilang kapatid namin sa propesyon?

    Pero wala naman ding balak marahil
    Ang media upang ang kamay ay dungisin
    Sa isang kriminal na sa aming tingin,
    Kahit suspek pa lang siyang maituturing.

    At marahil likas na rin niyang ugali
    Itong nagagawa pa niyang ngumisi,
    Gayong animo nga’y asong nakatali
    Ang kalagayan niya sa ‘ting pakiwari.

    Sapagkat para bang nakaloloko siya
    Kung pakasuriin ang ‘mannerism’ niya;
    Na pangisi-ngisi’t pahikab-hibak pa
    Gayong ang bigat ng kasong dinadala;

    At posibleng di lang isang habambuhay
    Na pagkabilanggo ang bubunuhin n’yan,
    Kundi baka pinakamababa na r’yan
    Ang limampung “life term” kung hindi man bitay!

    Pagkat inalis na ng ating gobyerno
    Ang “death sentence” nitong si Ginang Arroyo,
    (Na panglabing apat na naging Pangulo)
    Itong tumira sa magarang Palasyo.

    At kung saan mula nang ito’y i-“repeal”
    Ay lalong dumami at nag-triple mandin
    Itong iba’t-ibang krimen dito sa ‘tin,
    Pagkat di na takot ang mga salarin;

    Upang gumawa ng mga kabuktutan,
    Gaya halimbawa r’yan ng panghahalay,
    Pagnanakaw at walang awang pagpatay
    Pati sa biktima nilang walang malay.

    Kasi nga makulong man yan halimbawa
    Ng kung ilang taon o ‘life sentence’ kaya,
    May padrino ka lang d’yan sa Muntinglupa
    Ang hatol ng Korte ay naibababa.

    Partikular na kung ang ating Pangulo,
    Ang makikialam sa ano pa mang kaso;
    (Bibitayin na nga r’yan ang isang tao
    Ay nagagawa pa nitong iabsuwelto!)

    Gaya ni Estrada, gayong ang sentensya
    Ay habang-buhay na pagkakulong sana,
    Pero pinatawad ni Pangulong Gloria,
    Kaya hayan ngayon namamayagpag na.

    At posibleng maging Presidente uli
    Kapag siya itong pinalad magwagi;
    At maaring bumaligtad kung sakali
    Ang situasyon kung siya ang maupo muli!

    Kilalang malakas kay Ginang Arroyo
    Ang angkang naturan kaya hindi tayo
    Nakatitiyak na uusad ang kaso,
    Kung yan ay di natin bantayan ng husto!
    (Kasi may utang na loob ang Pangulo
    Sa mga Ampatuan kaya siya nanalo!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here